Celebrity style awards nag-iimbitang bumuto
MANILA, Philippines - Bumabalik muli ang StarStudio Celebrity Style Awards para magbigay ng karapat-dapat na pansin sa mga pinaka-fashionable sa mundo ng Philippine showbiz.
Kasabay ang pagganap ng pangalawang Celebrity Style Awards ang ika-13 na anibersaryo ng StarStudio magazine, pagkatapos ng introduksiyon ng mga award noong taong 2010.
Excited na tinanggap ng publiko ang unang Celebrity Style Awards. Ang malaking event ay nagtapos sa Celebrity Style Awards 2010 na ginanap sa Dusit Thani Hotel sa Makati City noong Oktubre ng 2010. Dito ay na-recognize ang mga nanalo, at may kasama pang mini fashion show na hatid ng mga nominee para sa Celebrity Designer Award ng taong iyon. Kasali sa mga nanalo sa unang Celebrity Style Awards sina Piolo Pascual, Gretchen Barretto, Angel Aquino, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Ely Buendia at Tim Yap.
Maging bahagi nito ngayong taon. Bumoto para sa iyong mga top pick sa push.com.ph/vote o kaya via SMS.
Bakit nga ba sikat ang tricycle dito sa bayan ni Juan?
Ngayong Miyerkules, alas-8:00 ng gabi sa GMA News TV, aalamin ng I Juander kung bakit patok sa bayan ni Juan ang isa sa mga sasakyan ng masang Pinoy - ang tricycle.
Sa kasalukuyan ay mahigit tatlumpung milyong tricycle ang naka rehistro sa Land Transportation Office o LTO. Pero hindi lang pala pang macho ang trabahong ito. Kilalanin si Sheryll, ang parloristang suma-sideline sa pagta-tricycle. Hindi nga raw uso sa kanya ang ma-haggard sa trabaho. Dahil habang pumapasada, aba’y naka hair and makeup pa ang lola mo.
Sinuyod ng I Juander ang Luzon hanggang Mindanao para sa kakaibang mga tricycle dito sa bayan ni Juan at napag-alaman na may tricycle na may libreng videoke at meron naman sa Iloilo na mistulang Back to the Future ang design!
Bukod sa mga tricycle na ito, abangan din ang pamamasada nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario!
- Latest