JM kailangang mag-cleansing bago gumanap na Santo; Jodi present sa oath-taking ni Jolo!
PIK: Medyo senti si Alden Richards sa nalalapit na pagtatapos ng Mundo Mo’y Akin na pinagtatambalan nila ni Louise delos Reyes kasama si Lauren Young. Pagkatapos nito ay bakasyon muna ang aktor pero magpo-promote pa raw siya ng kanyang first solo album.
PAK: Totoo kayang matatagalan pa bago simulan ni JM de Guzman ang San Pedro Calungsod: Batang Martir na entry nila sa December filmfest?
Bukod pa dun, kailangan pa ni JM nang matinÂding cleansing bago niya gampanan ang challenging role ng isang santo.
BOOM: Dumalo si Jodi Sta. Maria sa oath-taking ceremonies ni Jolo Revilla bilang bagong vice governor ng Cavite kasama si Gov. Junvic Remulla. Ginanap ito sa simbahan ng Sta. Cruz, Tanza, Cavite.
Binanggit ni Jolo sa kanyang speech na si Jodi ang tanging nagmamay-ari ng kanyang puso. Sabi pa nito, natitiyak niyang siya lang daw si Ser Chief sa tunay na buhay ng aktres.
- Latest