Kaya naglaho na ang tunay na ganda aktres nasobrahan na ang pagpapagalaw sa mukha
Grabe na ang pinagawa sa mukha ng isang aktres. TuluÂyan nang kumupas ang tunay niyang ganda dahil sa kakapagalaw sa kanyang mukha.
Bukod sa hindi na siguro mabilang na botox sa kanyang mukha, halata na ring nagpa-umbok siya ng pisngi at nagpagawa ng ilong.
Halos hindi na natural ang kanyang tawa at hindi na gumagalaw ang kanyang noo.
Dating maganda ang aktres, pero obviously hindi siya kuntento sa kanyang hitsura kaya nagpagalaw siya nang nagpagalaw sa kanyang mukha kaya ang resulta, banat at hindi natural ang hitsura niya ngayon.
Wala ring kaduda-duda sa kanyang kagaÂlingan pero ‘yun nga lang, wala na ang dati niyang ganda.
Aktibo naman sa mga nanay role ang aktres na ito na pa-boyfriend boyfriend lang ang drama sa buhay.
Four Sisters... at My Lady Boss parehong naka-B!
Parehong Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Four Sisters and A Wedding at My Lady Boss.
Bukas na palabas ang Four Sisters starring Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao and Enchong Dee na dinirek ni Cathy Garcia-Molina.
Ayon sa mga nakapanood, nakakaaliw ang pelikula at may iyakan at dramahan.
Equal naman daw ang exposure ng apat na bida pero ayaw nilang i-reveal kung sino ang lumabas na pinakamagaling sa apat na babae. At waging-wagi raw ay ang mga crackers at biscuits.
Ang My Lady Boss naman daw ay medyo nanggulat dahil lumabas na maganda ang pelikula kahit simple lang ang story.
Starring sina Richard Gutierrez at Marian Rivera sa pelikula na showing naman next week.
Pwes panoorin nating pareho ang pelikula. Siguradong sulit ang ibabayad natin.
Daniel hinahagisan ng bra habang nagso-show
Grabe talaga ang lakas ng dating ni Daniel Padilla. Taob ang mga kaÂpanabayan niya.
Ang dami talagang nababaliw-baliw sa young actor na ito.
Kaya naman kagulo sa lahat nang puntahan niya. Pero ang nakakaloka, pag meron daw itong mall show may ilang mga kababaihan daw ang nagtatapon ng bra sa young actor.
Anyway, balik-primetime TV ngayong darating na Hulyo sila Kathryn Bernardo sa pamamagitan ng romantic comedy series ng ABS-CBN na Got to Believe na panibagong obra ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.
Matapos mahalin ng buong Pilipinas bilang sina Prinsesa Areeyah at Gino ng royal teleseryeng Princess and I at bilang sina Ivan at Patchot sa launching movie nila sa Star Cinema na Must Be... Love, tuloy ang pagpapakilig nila sa mga manonood.
Gagampanan nila sa Got to Believe ang dalawang kabataang mula sa magkaibang mundo na magtatagpo sa hindi inaasahang pagkakataon. Si Daniel ay ang rich kid, spoiled “prince†na si Joaquin at si Kathryn ay si Chichay, ang simple girl with big dreams.
Bahagi rin ng cast ng Got to Believe sina Manilyn Reynes, Benjie Paras, Ian Veneracion at Carmina Villarroel.
- Latest