Spanish animation filmfest mapapanood sa FDCP Cinematheques
MANILA, Philippines - Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pamaÂmagitan ng Film Cultural Exchange Program (FDCP) at pakikipagtulungan ng Instituto Cervantes at ng Embassy of Spain, ay magpapalabas ng Spanish aniÂmation film cycle sa Davao, Baguio, at Iloilo sa buong buwan ng Hulyo.
May apat na napiling full-length titles na mapapanood sa mga cineÂmatheque venue ng FDCP sa mga nabanggit na lugar. May kombinasyon na roÂmanÂce, comedy, at dokumentaryo na tungkol sa autism ang mga napiling pelikula.
Ang Arrugas (Ignacio Ferreras, 2011) ay napanood na sa Manila nang isali sa 11th PELÃKULA: Spanish Film Festival nung October 2012. TumangÂgap na ito ng maraming awards kabilang na ang 2 Goyas sa Goya Award nung 2011 bilang best animated film and best adapted screenplay.
Sa Nocturna, una aventura mágica (Adrià GarcÃa at Victor Maldonado, 2007) ay bida ang ulilang si Tim na makikilala sina Cat Shepherd at Tobermory.
Kuwento ng pag-ibig at pagkabigo ang Chico & Rita (Fernando Trueba, Javier Mariscal, at Tono Errando, 2010). Nominado ito sa 2011 Academy Awards for best animation film at sa 2010 Goya Award para sa kaparehong kategorya.
Ang MarÃa y yo (Félix Fernández de Castro, 2010) ang dokumentaryo ng ama at ng kanyang anak na may kapansanan na autism.
Ang apat na pelikula ay ipapalabas sa Cinematheque Davao sa July 5 at 12; sa Cinematheque Iloilo sa July 17 at 18; at sa CineÂmatheque Baguio sa JuÂly 25 at 26. Para sa iba pang schedule, bisitahin na lang ang www.fdcp.ph, www.manila.cervantes.es, o ang www.facebook.com/InstitutoCervantesManila.
- Latest