Aktres na nasangkot sa matinding eskandalo gustong magbalik showbiz
Gustong magbalik-showbiz ng isang aktres pero mahihirapan siya dahil hindi pa nalilimutan ng mga Pinoy ang eskandalo na kinasangkutan niya noon.
Nasira nang husto ang image ng aktres at siya ang may kasalanan. Kung ginamit niya ang kanyang utak at hindi nagpakalulong sa masamang bisyo, nasa showbiz pa rin sana siya hanggang ngayon.
Mahihirapan din ang aktres na mag-comeback dahil hindi naman siya marunong umarte. Pinag-usapan lamang siya noon dahil sa kanyang kaseksihan at sa eskandalo na sumira sa pangalan niya.
Mother Lily likas na mapagpatawad
Likas na mapagpatawad si Mother Lily Monteverde kaya alam ko na hindi magtatagal ang pagtatampo niya kay Marian Rivera? Si Mother pa?
Ang dami-daming contract stars ng Regal Entertainment, Inc. na nag-breach ng contract pero hindi sila idinemanda ni Mother dahil naayos ang problema sa magandang usapan. Very motherly si Mother kaya nga mother ang tawag sa kanya ‘no! Normal sa kanya ang magalit at magtampo pero hindi siya nagtatanim ng sama ng loob kaya blessed na blessed si Mother.
Nagkaroon kami ng problema ni Mother noong alaga ko pa si Gabby Concepcion. Hindi nagtagal ang tampuhan namin ni Mother dahil nag-usap kami. Si Mother ang isa sa pinakamadaling kausap na lady boss sa showbiz.
Christian ramdam na ramdam ang pagiging Kapuso
Mapapanood na bukas ang pilot episode ng With A Smile ng GMA 7. Ramdam na ramdam ang presence ni Christian Bautista sa Kapuso Network dahil sagana sa plugging ang teleserye na pinagbibidahan niya.
Si Christian ang kumanta ng theme song ng With A Smile at ng theme song ng isang afternoon soap ng GMA 7 kaya pamilyar na pamilyar sa boses niya ang mga loyalista ng Kapuso Network.
Masipag si Christian sa promo ng With A Smile dahil ito ang unang teleÂserye niya sa GMA 7.
Binigyan ng katuparan ng Kapuso management ang kanyang wish na magkaroon ng acting assignment. Dalawa ang regular show ni Christian sa GMA 7, ang With A Smile at ang Sunday All Stars pero absent ngayon si Christian sa SAS dahil sa commitment niya sa Jakarta, Indonesia.
komedyanang desperada, nakakaawang nakakadiri
Nandiri ako nang mapanood ko ang video ng isang komedyana na kulang sa pansin at desperada na yata na magkaroon ng mga TV guesting.
Sa totoo lang, awa at diri ang naramdaman ko nang panoorin ko ang sexy dance number ng pobreng komedyana. Kung sinuman ang nag-upload ng kanyang video, dapat kasuhan ng pang-aabuso. Nilapastangan niya ang pagiging naive ng desperaÂdang komedyana.
Siya pa ang nagalit nang hindi pabalikin sa ilalim ng tulay
Whitney Tyson hindi dapat tularan ng informal settlers
Isa ako sa mga matutuwa kapag natuloy ang pagpapaalis ng gobyerno sa informal settlers sa mga estero.
Ang mga informal settler ang isa sa mga dapat sisihin sa lumalala na problema ng pagbaha sa Metro Manila. Wala silang disiplina sa pagtatapon ng mga basura na bumabara sa mga estero.
Kung napaalis ng gobyerno ang mga nakatira sa ilalim ng tulay, mapapasibat din nila ang informal settlers sa mga estero.
Tama na ang mga katulad ni Whitney Tyson na maling-mali ang katuwiran. Si Whitney pa ang nagalit sa gobyerno nang hindi siya pabalikin sa bahay niya sa ilalim ng tulay.
Ayaw niya na i-relocate siya sa Bulacan dahil malayo raw. ’Yan ang mga katuwiran na nakakapag-init ng ulo dahil sila na ang tinutulungan, sila pa ang may gana na maghimagsik. Katsipan ’di ba?
Hindi talaga uunlad ang ating bayan hangga’t may mga tao na katulad ni Whitney ang pag-iisip.
- Latest