^

PSN Showbiz

Ate Guy game sa panibagong salpukan nila ni Gov. Vi

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa halip na maapektuhan sa muling pagsa­sabong sa kanila ni Vilma Santos, sinabi ng Superstar na si Nora Aunor na okay sa kanya na mu­ling buhayin ang rivalry nila ng gobernadora kung makatutulong ito sa ikasisigla ng movie industriya ng pelikula.

May natapos din na isang indie movie si Gov. Vi na kakailanganin nitong i-promote, ang Eks­­tra na makakasama sa 9th Cinemalaya In­de­pen­dent Film Festival. Si Nora naman ay ka­papanalo ng kan­yang ika-8th Best Actress para sa pelikulang Thy Womb na ginawa niya under direktor Brillante Mendoza. Ang pinakahuli     niyang award ay mula sa Gawad Urian.

“Walang problema sa akin kung buhayin man nilang muli ang rivalry namin. Kung ‘yun ba ay ma­kakatulong para maging masiglang muli ang indus­triya. Maging mas masaya, at ma­kakahikayat tayo ng ibang mga artista na gumawa ng indie films, walang problema,” sabi ng Superstar makatapos niyang tanggapin ang kanyang tropeo sa Gawad Urian.

Dion nag-aambisyong mag-abroad uli

Parang bata si Dion Ignacio na mas inunang puntahan ang Universal Studios sa Singapore nang nagkaroon sila ng break sa taping nila ng Maghihintay Pa Rin (MPR) na dumayo pa sa nasabing katabing bansa natin sa Asya para mag-taping ng show ng limang araw, sila nina Rafael Rosell, Bian­ca King  at Julia Lee.

First time lang nakalabas ng bansa ang aktor na magtatangkang agawin si Geneva (Bianca) kay Kiko (Rafael Rosell) sa panghapong serye ng GMA.

“Ang galing nilang dalawa sa series. Nakaka-in­timidate nga sila. Napi-pressure tuloy ako na pagbutihin din ang acting ko para hindi nila ako mapag-iwanan,” kuwento ng StarStruck alumnus na na-enjoy ang kanyang out of the country taping so much na mag-iipon daw siya para makapagbiyaheng muli, kahit sa Hong Kong lang next time.

Jake at Joem mas matindi ang lampu­ngan

Mukhang nagbabalak kabugin ng bagong tambalang Jake Cuenca at Joem Bascon ang pinag-uusapang istorya nina Vincent (Tom Rodriguez) at Eric (Dennis Trillo). Isang bading at isang nagpapanggap pang lalaki  at nag-asawa pa para mapatunayan lang na lalaki siya.

Relasyon din ng dalawang lalaki ang gagampa­nan nila Jake at Joem sa indie film na Lihis. Ka­ra­­mi­han ng ganitong klase ng pelikula ay hindi na mas­yadong limitado ang kanilang mga eksena, sa punto man ng paghuhubad  at love scenes. Kaya ma­­kakaasa ang maraming manonood na ang mga eksenang hindi nila mapapanood sa My Husband’s Lover ay makikita nila sa Lihis. Pramis!

Nikki pinagtaksilan ng asawa at ka­patid

Bibida si Nikki Gil sa isang matinding family drama sa episode mamayang gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Gagampanan niya ang karakter ng ma­pagma­hal na asawa’t kapatid na si Precy.

Dahil sa hangarin niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak at ka­patid na si Agnes (Nikki Bagaporo), mag­dedesis­yon ito na magtrabaho sa ibang ban­sa at mag-ipon para sa ikagiginhawa ng buhay ng kanyang pamilya.

Ngunit sa kanyang pag­ba­balik sa Pilipinas, un­ti-unting masisira ang pamilyang pinakaiingatan ni Precy dahil matu­tuklasan niya ang pagtataksil sa kanya ni Agnes at ng kanyang asawang si Lando (Matt Evans). Paano tatanggapin ni Precy ang panloloko sa kanya ng pinakamamahal na kapatid matapos ang lahat ng kanyang pagtitiyaga para dito?

Kaya bang burahin ng panahon ang sakit na nai­dulot ng bawal na relasyon nina Agnes at Lando?

Tampok din sa MMK episode sina Ces Quesada, Yves Flores, Phoebi Arbotante, Alec Robes, at Marie Joy Dalo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando.

AGNES

ALEC ROBES

BEST ACTRESS

BRILLANTE MENDOZA

GAWAD URIAN

PARA

PRECY

RAFAEL ROSELL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with