Pag-aaral sa Switzerland ni Richard, hindi tuloy
PIK: Pagkatapos ng ilang linggong bakasyon sa Amerika, balik-taping na si Sen. Bong Revilla, Jr. sa Kap’s Amazing Stories.
Mas type nito ngayon ang timeslot ng kanyang educational show na ibinalik na sa Linggo pagkatapos ng 24 Oras.
Iyon naman daw talaga ang tamang oras na napapanood ng mga bata bago sila bumalik sa school kinabukasan.
Habang nasa recess pa sa Senado, inaayos na rin ni Sen. Bong ang pre-production ng pelikulang pang-MMFF niyang My Super Kap kasama sina Ogie Alcasid at Toni Gonzaga.
Excited si Sen. Bong dahil matagal ding hindi siya nakapag-comedy at tingin nito bagay ang mga pagpapatawa na gagawin nila nina Toni at Ogie.
PAK: Si Tita Annabelle Rama na rin ang nagsabi sa aming malabo raw na sa Switzerland mag-aral ng directing si Richard Gutierrez dahil ayaw naman daw nitong mapalayo sa pamilya.
Sabi nga ni Richard, babalik ng bansa si Sarah Lahbati para harapin ang lahat ng isyung iniwan dito, kaya magkakasama naman sila ng aktor.
Kung sakaling matuloy daw ang pag-aaral ni Richard ng directing, malamang na gagawin daw niya ito sa Big Foot sa Cebu.
“Doon nag-aaral si Ritchie Paul eh,†pakli ni Bisaya.
Pero sa ngayon ay pagkakaabalahan muna ni Richard ang promo ng My Lady Boss na magsu-showing na sa July 3.
BOOM: Totoo kayang mas malala pa ngayon ang pagka-prima donna nitong magaling na aktres na pati raw ang daily routine nang pagpapaganda ay naka-adjust ang oras ng trabaho?
May ginagawang pelikula si magaling na aktres, pero bago sila nagsimula ay nagkaroon muna sila ng workshop kasama ang mga co-actors.
Kaya pala inagahan ang schedule ng workshop dahil kailangan matapos pala sila nang maaga.
Pagtuntong ng alas-kuwatro ng hapon ay may seremonya si magaling na aktres sa kanyang mukha at regular daw niya itong ginagawa para lalo siyang gumanda.
Hindi naman kasi talaga kagandahan si maÂgaling na aktres pero malaki ang in-improve ng mukha at katawan nito dahil sa beauty regimen na ginagawa niya.
- Latest