^

PSN Showbiz

Richard at Dawn, paghahandaan na ang comeback movie

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling magpapakilig sa big screen ang hanggang ngayo’y mainit pa ring love team nina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Pumirma ang tambalan ng kontrata sa Star Cinema para gumawa ng pelikulang kabilang sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng pinakamalaking movie studio sa bansa.

Matatandaang naging hit ang pagbabalik-tambalan ng dalawang artista sa top-rater na Walang Hanggan, kung saan mahusay nilang ginampanan ang karak­ter nina Marco at Emily. “Proud ako na maging parte ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Star Cinema. It’s a great year and a great time to be with Star Cinema and Dawn. Napaka-exciting ng proyektong ito,” pahayag ni Richard. Kabado naman daw si Dawn dahil matagal bago nasundan ang huli niyang pelikula na katambal ang aktor.

Ibinahagi ng dalawang artista na makakasama rin nila sa pelikula ang da­lawa sa pinakamainit na bituin sa ngayon na sina John Lloyd Cruz at Jessy Mendiola.

Parehong excited sina Richard at Dawn na makatrabaho ang mas nakababatang artista. “Huli kong nakatrabaho si John Lloyd sa the sitcom na Palibhasa Lalake pa kaya naman masaya ako na muli siyang makatabaho,” kuwento ni Richard.

Dagdag naman ni Dawn, matagal na niyang gustong makasama ang box-office star na si John Lloyd at ang Paraiso leading lady na si Jessy.

Pinagsamang family drama at love story ang pelikula at ang script ay mula pa sa panulat ng award-winning writer na si Ricky Lee.

Ang kuwento ay tungkol sa mag-asawang nagkaroon ng lamat sa relasyon at ngayo’y sumusubok na ibalik ang init ng kanilang pagmamahalan. Sa Hulyo nakatakdang simulan ang shooting.

Nasa contract signing sina Star Creatives head Malou Santos, ang manager ni Richard na si Pia Campos at ang manager ni Dawn na si Vivian Recio.

 

vuukle comment

DAWN ZULUETA

JESSY MENDIOLA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

MALOU SANTOS

PALIBHASA LALAKE

PIA CAMPOS

RICHARD GOMEZ

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with