Kuwento ng babaeng sinusundan ng mga anino, bubusisiin ni Atom
MANILA, Philippines - Babasagin ni Atom Araullo ang katotohanan sa likod ng misterÂyosong mga anino na binabagabag at sinusundan ang babaeng si Eulaine simula pa noong dalaga siya ngayong Biyernes (June 21) sa Pinoy True Stories: Hiwaga.
Bata pa lang si Eulaine ay may kakaiba na siyang kakayahan na makipag-usap sa mga duwende pati na rin sa mga espiritu. Hindi naman siya nabahala ng kakayahang ito hanggang sumapit siya sa edad na 16 kung kailan una niyang nakaengkwentro ang mga aninong animo’y binabantayan siya saan man siya magpunta.
Halos hindi na makatulog si Eulaine sa gabi dahil pinipilit niyang manatiling gising dala ng takot sa mga anino’y minsa’y bumubulong pa sa kanya. MaÂging albularyo ay tinanggihan siyang tuluÂngan at umurong sa pangamba na siya ay balikan ng mga aninong umaaligid sa kanya.
Ilang taon na ang nakalipas at ikinasal na si Eulaine ngunit binubuntutan pa rin siya ng mga anino na para bang inaaya siya na sumama sa kanila.
Paano nga ba makakawala si Eulaine sa kababalagÂhang ito? Habambuhay na ba siyang susundan ng misteryosong mga aninong ito?
Huwag palalampasin ang pinakabagong kuwento ng kababalaghan sa Pinoy True Stories: Hiwaga, sa paÂnguÂÂnguna ni Atom ngayong Biyernes (June 21) ng hapon, 4:45 p.m. pagkatapos ng A Promise of a Thousand Days sa ABS-CBN.
- Latest