Tampuhan hindi nagtagal: Marian at Mother Lily nagkaayos, nagyakapan na!
Hindi nagtagal ang tampuhan nina Mother Lily Monteverde at Marian Rivera dahil nagkasundo sila kahapon sa presscon ng My Lady Boss.
Nag-ugat ang tampuhan ng dalawa dahil na-hurt si Mother nang tanggihan ni Marian ang pelikula na pagsasamahan sana nila ni Judy Ann Santos na official entry ng Regal Entertaiment, Inc. sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.
Solo movie raw ang gusto ni Marian kaya ang ending, walang pelikula si Mother na kasali sa MMFF dahil co-producer lamang siya sa Pagpag, ang horror film na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Pero sa presscon kahapon ng My Lady Boss, ipinaliwanag ni Marian na hindi totoo na tinanggihan niya ang offer ni Mother. Gusto lang ni Marian ng isang project na pinaghahandaan at pinagpaplanuhan.
To make the long story short, nagkasundo na ang magkabilang-panig, alang-alang sa kanilang magandang pinagsamahan at sa My Lady Boss na showing sa mga sinehan sa July 3.
Hindi na binasa ni Mother ang kanyang statement na punumpuno ng pagdaramdam. Mahigpit na mahigpit ang yapak kay Mother ni Marian na maligayang-maligaya dahil naayos ang kanilang problema.
Richard libreng-libre na, puwede nang magtrabaho sa iba
Blessing in disguise ang ilang beses na postponement ng playdate ng My Lady Boss dahil naayos ang editing at lalong napaganda ang pelikula.
Happy si Richard Gutierrez nang mapanood nito ang bago at mas magandang trailer ng My Lady Boss.
Umuwi ng Pilipinas si Richard para sa presscon at promo ng pelikula nila ni Marian. Alam ni Richard ang responsibilidad nito bilang aktor at ang responsibilidad niya sa pelikula.
Lalong gumuwapo si Richard sa presscon ng My Lady Boss dahil nakapahinga siya sa ilang linggo na pagbabakasyon niya sa Switzerland.
Natapos na ang exclusive contract ni Richard sa GMA 7. Eleven years din pala na naging bahay ni Richard ang Kapuso Network na nagbigay siya ng mga teleserye, reality, at documentary show.
Libreng-libre na siya ngayon pero hindi nagmamadali dahil sa rami ng mga gusto niyang gawin.
Nagtataka lang si Richard dahil sa mga balita na mag-aaral siya ng film directing sa Switzerland.
Nauna pa raw ang press people na malaman ang mga plano na hindi pa naman niya pinaplano.
Hindi na nagkaroon ng chance ang mga reporter na tanungin si Richard tungkol sa mga personal na bagay dahil umalis kaagad siya pagkatapos ng open forum.
Sa totoo lang, nasagot na ni Richard sa huling presscon ng My Lady Boss noong April ang lahat ng mga question tungkol sa relasyon nila ni Sarah Lahbati. Wala nang reason para sagutin niya ang paulit-ulit na tanong tungkol sa kanyang love life.
Nakakahiya nga naman kay Marian na leading lady niya sa My Lady Boss kung si Sarah ang pag-uusapan sa presscon kahapon ng kanilang pelikula.
Starring din nga pala sa My Lady Boss sina Sandy Andolong, Rocco Nacino, Sef Cadayona, at Tom Rodriguez.
Ang My Lady Boss ang unang pelikula ni Tom matapos mapansin ang participation niya sa My Husband’s Lover kaya naman kasali na siya sa trailer ng Marian-Richard movie.
- Latest