^

PSN Showbiz

KC may hinihintay pang malaking gesture sa manliligaw na foreigner bago sagutin

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si KC Concepcion na hang­­gang ngayon ay wala pa rin siyang karelasyon pero mayroong mga nakikikipagkaibigan sa kanya. Naghihintay pa raw ang dalaga ng tamang panahon kung kailan niya makikilala ang kanyang Mr. Right.

“Wala pa pong exclusively. Hindi pa ako nagde-date exclusively. Parang hinihintay ko na gumawa sila ng isang ma­laking gesture ’tapos iko-consider ko na,” pagtatapat ni KC.

May mga foreigner na manliligaw ang aktres at mayroon din namang Pinoy.

“Opo eh. Foreigner talaga. Nagka­taon na sila ’yung mga nagpapakilala sa akin. Siguro mas nauna lang siguro sila,” pagbabahagi ni KC.

Hindi raw muna magbibigay ng iba pang detalye si KC tungkol sa estado nila ng mga manliligaw. Natuto na raw ang dalaga pagdating sa pakikipagrelasyon dahil sa kanyang mga pinagdaanan noon.

“In the future malalaman n’yo rin naman ’yun. One kasi ayoko i-preempt, and two, siguro marami na rin akong na-share sa public na gusto ko muna ma-experience mag-isa bilang babae. Saka ko isi-share ’pag ready na ako at ’yung magiging boyfriend ko,” giit ni KC.

Samantala, kasama ang aktres sa Huwag Ka Lang Mawawala na bagong teleserye ng Kapamil­ya Network.

Liza gustong gayahin si Anne

Baguhan pa lamang sa industriya si Liza Soberano. Isa siya sa mga inilunsad na miyembro ng Star Magic Circle 2013 kamakailan kaya masayang masaya ang dalaga. Nakasama na rin si Liza sa pelikulang Must Be Love nina Kathryn Bernardo at Da­niel Padilla.

“Masayang-masaya ako kasi po matagal ko ng pangarap ’to. At saka bihira lang ’yung makasama sa Star Magic. Mahirap talaga ’di ba? Piling-pili lang talaga na makapasok sa Star Magic kaya I’m thankful,” nakangiting bungad ni Liza.

Ayon pa sa young actress, nagiging inspirasyon niya ang aktres na si Anne Curtis para sa lahat ng kanyang ginagawa.

“Kunwari may gusto siyang i-achieve, she does everything to do it. Anne Curtis is the type of a woman that’s really strong. She’s just very bubbly and maganda ’yung personality niya,” paliwanag ni Liza.

Dati raw ay gustong maging doktor ng dalaga pero mayroon siyang ilang bagay na kinatatakutan kaya hindi na niya itutuloy ang naunang pangarap.

“Before I wanted to be a doctor but I got scared of blood. ’Tapos ngayon, when I started in showbiz, naging dream ko na rin na maging successful dito,” kuwento niya. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                

ANNE CURTIS

BEFORE I

HUWAG KA LANG MAWAWALA

KATHRYN BERNARDO

LIZA SOBERANO

MR. RIGHT

MUST BE LOVE

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with