^

PSN Showbiz

AiAi walang pelikula sa Pasko, pelikula ni Gov. ER ‘di rin nakapasok!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang Panday at Enteng na mapapanood ngayong taon sa Metro Manila Film Festival tulad nang naunang nabanggit namin last week.

Matagal-tagal din silang naging paborito ng mga bata tuwing Pasko pero obviously nagdesisyon sina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto na mag-iba naman ng character.

Si Vic ay nakipagsosyo kay Kris Aquino para sa pelikulang Torky and My Little Bossing kung saan balitang makakasama rin sina Ryzza Mae at anak ni Kris na si Bimby sa ilalim, ng APT Entertainment, Inc. and Kris Aquino Production.

Si Sen. Bong ay si Toni Gonzaga ang ka-partner sa My Super Kap. Naunang napabalita na Indio ang gagawin ni Bong pero nagbago ang desisyon at ito ngang My Super Kap ang isinali nila.

Hindi naman nakasama sa Big 8 ng MMFF 2013 ang Boy Golden, ang pelikula sana ni Gov. ER Ejercito kung saan makaka-partner niya sana si KC Concepcion.

Wala rin ang Shake Rattle & Roll at wala si AiAi delas Alas na dalawang taong nagreyna sa MMFF.

Ang iba pang nag-submit na hindi napasama sa Big 8 ang Kaleidoscope World (Sef Cadayona and Yassi Pressman), Ibong Adarna (Rocco Nacino, Joel Torre, Angel Aquino, Leo Martinez, Ronnie Lazaro), Hope in a Bottle (Ruffa Gutierrez, Maja Salvador, Angeline Quinto), Everybody Loves (Jake Cuenca, Jericho Rosales, Megan Young, at Maja Salvador), Sa Ngalan ng Ama, Ina, at mga Anak - Kuratong Baleleng (Robin Padilla, Daniel Padilla, and Mariel Rodriguez) at Kulay Abo ang Langit (Carla Abellana, Diether Ocampo, Cherie Gil, and Matteo Guidicelli).

 Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, 15 entries ang natanggap nila para sa Mainstream Cate­gory.

Pero kinailangang mamili ng Selection Committee para sa walong official entries na ipapalabas sa mga sinehan simula sa Pasko. At katulad taun-taon, ang proceeds ng festival ay mapupunta sa ilang beneficiaries ng movie industry – The Movie Workers Welfare Fund (MOWELFUND), Film Acade­my of the Philippines (FAP), Motion Picture Anti-Piracy Council, Optical Media Board (OMB) and the Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Nabanggit na rin kahapon ni Chairman Tolentino ang karagdagang cate­gory sa MMFF – ang Animation Category.

“There is no doubt that Filipino imagi­nation is boundless. It is unhindered and it flourishes through the good and through adversities. This is why a major cause for celebration is the addition of the MMFF New Wave Animation Ca­tegory. We have a large pool of animators in the Philippines, both budding and world class. It’s high time that MMFF recognizes them,” sabi ng chairman ng MMDA na malaki ang problema sa traffic sa Metro Manila dahil sa pagbaha noong mga nakaraang araw.

Julia Barretto, pasado sa MMK

Ibinalita ng Star Magic na humataw sa ratings ang kauna-unahang Maalaala Mo Kaya ni Julia Barretto noong Sabado. Nakakuha raw ito ng 35.6% ratings (Kantar Media/ TNS) at naging isa sa number one weekend shows ang kanyang  Drawing episode sa MMK. 

Ginampanan ni Julia ang role na si Alex na humarap sa mga problemang pampamilya sa murang edad. Nakasama niya sina Ara Mina, James Blanco, Jacob Dionisio, Tommy Abuel, Manuel Chua, Kristoff Meneses, Marikit Morales, at Yda Yaneza.

Ang kanyang unang pagsabak sa MMK at maituturing na  test of water  para sa ba­tang aktres.

Aminado ang Star Magic Circle 2013 member na hindi naging madali para sa kanya ang unang sabak sa drama.

“Sobrang challenging para sa akin ang first MMK episode ko and at the same time, it was a very exciting break for me. I’m thankful that my co-stars were very helpful”, sabi ni Julia.

Dahil sa magandang pagtanggap ng kanyang      unang akting break sa MMK, siguradong aabangan ng lahat ang kanyang launching teleserye na Confradia.  

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

ANGEL AQUINO

ANGELINE QUINTO

ANIMATION CATEGORY

ARA MINA

BONG REVILLA

JULIA BARRETTO

MAJA SALVADOR

MY SUPER KAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with