Boy Abunda papasukin ang buhay ng international Pinoy supermodel
MANILA, Philippines - Papasukin ng The Bottomline with Boy AbunÂda ang mundo ng fashion industry ngayong Sabado (Hunyo 22) tampok ang international Pinoy supermodel na si Paolo Roldan. Ipinanganak si Paolo sa Pilipinas ngunit siya ay lumaki sa Canada. Nagsimula siyang lumikha ng ingay sa ibang bansa nang mag-pose siya ng nude sa Vogue Paris noong 2010.
Ngayong Sabado, tuklasin mula kay Paolo ang buong kwento nang pag-abot niya sa kanyang mga paÂngarap. Gaano kagulo at kaganda ang industriya ng pagmomodelo?
Anu-ano ang mga pagsubok na naranasan ni Paolo bago marating ang tinatamasang tagumÂpay?
Bakit nga ba sa kabila ng kabi-kabilang proyekto sa abroad ay pinili pa rin ni Paolo na magmodeÂlo sa Pinas? Huwag palampasin ang 2013 USTv Awards Best Public Affairs Talk Show na The BottomÂline with Boy Abunda ngayong Sabado, 11:30 a.m., pagkatapos ng Banana Split.
- Latest