Kapamilya stars magpapagandahan sa Starstudio Celebrity Style awards
MANILA, Philippines - Inaanyayahan ng StarStudio Magazine ang laÂhat ng fans at mahihilig sa fashion na iboto ang kaÂnilang mga paboritong star sa 2nd StarStudio Celebrity Style Awards.Ang StarStudio ay ang ceÂleÂbrity lifestyle at entertainment news magazine ng ABS-CBN Publishing. Ongoing ang botohan hanggang July 13. Ang StarStudio Celebrity Style Awards, na unang ginawa noong 2010, ay ni-launch para kilalanin ang mga artista na hindi lang magaling magdala ng damit kundi nagbibigay inspirasyon rin sa kanilang mga tagahanga.
Bumuo ang StarStudio ng Style Council na magsisilbing consultants at pipili ng nominees kasama ang mga editor ng naturang magazine. Ang mga miÂyembro ng Style Council ay sina School of FaÂshion and the Arts co-founder and bag designer na si AmiÂna Aranaz-Alunan, fashion show director na si Jackie Aquino, model-actress Marina Benipayo, fashion designer Randy Ortiz, at creative director ng Metro Magazine na si Patrick Ty.
May siyam na categories for voting: Celebrity FaÂshion Muse, Celebrity Fashion Leading Man, Young Fashionista on the Rise, Young Stylish Guy on the Rise, Female Stylish Host, Male Stylish Host, Female Onstage Stylista, Male Onstage Stylista, at Most Stylish Love Team.
Iboto at ikampanya ang inyong paboritong faÂshioÂÂnable na artista. Bumoto sa StarStudio Style Awards! Puwedeng bumoto online sa push.com.ph/vote o mag-text. Para sa kumpletong detalye, mag-log on sa www.facebook.com/StarStudio.Magazine.
- Latest