Para makasama na si Sarah ng matagal? Richard mag-aaral ng directing sa Switzerland
PIK : Kapwa itinatanggi nina Jake Vargas at Bea Binene na sila na kahit marami ang nakakakita sa sweetness nilang dalawa.
May mga nagkukuwento sa aming lagi silang magka-holding hands sa rehearsal ng SAS at sa taping ng Home Sweet Home kaya kung magkatampuhan ay OA din.
Pero best friends lang daw talaga sila at sabi nga ni Bea kung meron man daw lalaking pinakamalapit sa kanya, walang iba ‘yun kundi si Jake.
PAK: Malungkot ang mga mata ni Heart Evangelista nang sandaling nakatsikahan namin sa studio ng SAS.
Ayaw niyang magpa-interview tungkol sa Father’s Day nung nakaraang Linggo dahil hindi pa naman niya magawang batiin ang ama.
Hanggang sa ngayon ay wala pa rin pala siyang komunikasyon sa kanyang magulang kaya kapag merong ganung selebrasyon, nalulungkot ito dahil nami-miss na niya ang kanyang pamilya.
BOOM: Kung mag-aaral si Ruffa Gutierrez sa London, totoo kaya ang naririnig naming sa Switzerland naman daw balak ni Richard Gutierrez mag-aral ng directing?
Hindi naman namin nakakausap si Richard at kahit si Tita Annabelle Rama kaya pawang haka-haka lang ang nakakarating sa amin.
Balak daw ni Richard na isang taon siyang mawawala dahil gusto niyang mag-aral ng directing sa naturang bansa.
Ito kaya ay para makasama na niya roon ang girlfriend na si Sarah Lahbati?
Balitang nasa Switzerland ngayon si Richard para dalawin doon ang kasintahan.
Babalik kaya ang aktor dito bago mag-showing ang pelikula nilang My Lady Boss sa July 3?
- Latest