^

PSN Showbiz

Aktor naiyak sa Father’s day message ng anak na matagal niyang ‘di nakasama

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Napaluha ang isang aktor nang mabasa niya ang Father’s Day message ng kanyang anak na babae.

Ang akala kasi ng aktor, malaki ang tampo sa kanya ng anak dahil nagkahiwalay sila ng misis niya na aktres.

Maling-mali ang paniniwala ng aktor dahil mahal na mahal pala siya ng kanyang daughter na pinagdudahan niya. Naiyak ang aktor sa maka­bagbag-damdamin na mensahe ng kanyang anak na matagal niya na hindi nakapiling.

Mag-asawang Daiana at Benjo walang malugaran

Hindi na nagsalita si Daiana Menezes tungkol sa isyu ng domestic violence dahil naayos na ang problema nila ng kanyang mister, si outgoing Cagayan de Oro Congressman Benjo Benaldo.

Ang statement ni Congressman Benjo sa media ang tumapos sa isyu kaya hindi na dapat mag-wonder ang mga intrigera dahil ang husband lamang ni Daiana ang nagsalita. Noong hindi kumikibo si congressman, nagtatanong kayo kung bakit tahimik ang kanyang misis? Nang magsalita si Rep. Benjo, nagtatanong uli kayo dahil nanahimik na si Daiana? Saan pa ba lulugar ang dalawa?                                                  

Erap nakikipag-usap na sa mga problema ng Maynila

Hindi pa umuupo sa puwesto si Manila City Mayor-elect Joseph Estrada pero nakikipag-usap na siya sa mga ahensiya na makakatulong para malutas ang mga problema sa Maynila.

Ibang-iba si Papa Erap sa mga nahalal na public official na inuna muna ang pagbabakasyon dahil sa July 1 pa ang umpisa ng paglilingkod nila sa bayan.

Tuwang-tuwa ang mga Manileño dahil nakikita na nila na malaki ang maitutulong ni Papa Erap sa muling pagbangon ng Maynila.

Magkaibigan sina Papa Erap at former Manila City Mayor Lito Atienza. Puwedeng hingin ni Papa Erap ang tulong ni Papa Lito para gumanda uli ang Maynila. Malaki ang nagawa ni Papa Lito kaya luminis at naging maganda ang Maynila noong siya ang alkalde. Sayang na sayang talaga dahil hindi naalagaan ang napakaganda na legacy ni Papa Lito sa Maynila.

Pelikula nina Richard at Marian hindi mapipigilan sa July 3

Sa July 3 na pala ang playdate ng My Lady Boss ng GMA Films. Ilang beses na na-postpone ang showing sa mga sinehan ng pelikula nina Richard Gutierrez at Marian Rivera kaya inip na inip na ang kanilang fans.

Magiging visible sa TV ang dalawa dahil sa promo ng My Lady Boss. Maya’t maya na nga ang pagpapakita ng GMA 7 sa trailer ng pelikula na iniendorso ng mga Kapuso star.                                         

SAS director expert na

Congrats kay Rommel Gacho, ang direktor ng Sunday All Stars (SAS) na Sunday noontime show ng GMA 7 na nagsimula kahapon.

Direktor si Rommel ng mga teleserye ng Kapuso at siyempre ng Startalk. Siya ang madalas na pumalit sa mga direktor ng GMA 7 na hindi available.

Magaling na direktor si Rommel. Sure ako na mabibigyan niya ng bagong feel at look ang SAS.

DAHIL

DAIANA

MAYNILA

MY LADY BOSS

PAPA ERAP

PAPA LITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with