^

PSN Showbiz

Drama ni Sarah naurong, pahinga rin muna kay John Lloyd

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - After The Voice of The Philippines na pala itutuloy ang Sarah Geronimo Presents, ayon kay Mr. Vic del Rosario, manager ni Sarah Geronimo.

Dapat daw ay right after ng Sarah G. Live ay eere na ang kapalit na programa ng Pop Superstar tuwing Linggo pero kinailangan daw ni Sarah na mag-focus sa The Voice dahil matrabaho raw ang mag-coach sa umarangkadang programa kagabi.

Pagdating sa pelikula, sinabi ni Mr. del Rosario na may inihahanda para kay Sarah pagkatapos pumatok ang It Takes a Man and a Woman, ang super successful nilang pelikula ni John Lloyd Cruz. Pero malamang daw na si Coco Martin muna ang maka-partner nito.

May mga nagsa-suggest naman na parang bagay din silang pagtambalin ni Dingdong Dantes dahil parang may kilig sila. Pero ‘di ba si Anne Curtis na ang makakasama ni Dingdong sa pelikulang gagawin sa Viva?

Anyway, kararating lang ni Sarah mula sa matagumpay na 24/SG concert sa Amerika kung saan naging guest niya si Matteo Guidicelli. Naging guest lang daw ha at hindi true ang mga bali-balitang mag-syota agad ang dalawa.

At sa July 28, magkakaroon naman siya ng provincial concert sa St. La Salle Coliseum with special guests, Bamboo, Ronnie Liang and Michelle O’Bombshell. (Tickets are available at SM City Bacolod, St. La Salle Coliseum Office, Redstar, ABS-CBN Bacolod, Moon Cafe and Eastview Hotel.)

Samantala, nagsimula na kagabi ang tagisan at ang pinag-uusapan na Blind Auditions stage ng The Voice kung saan pipili ang coaches na sina apl.de.ap, Sarah, Bamboo, at Ms. Lea Salonga ng artists na kanilang ime-mentor sa pamamagitan lang ng pakikinig sa kanilang mga boses.

Nakatalikod ang kanilang mga upuan sa sasalang na artist at makikita lamang ang itsura nito kapag tapos na ang kanta o kapag napagdesisyunan nila na kunin ito sa kanilang koponan. Sa pagtatapos ng Blind Auditions kinakailangang makapili ang bawat coach ng 12 artists na mapapabilang sa kanilang teams at uusad sa susunod na rounds ng kumpetisyon— ang Battle Rounds at ang Live Shows.

Inaasahang makakadiskubre ng magagaling na singer sa programa.

Agree si Philibert Braat, ang international consultant mula sa franchise owner na TALPA, ay kinilala ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng pag-awit. “The world knows that Filipinos are the best singers in the world so I think the country really deserves ‘The Voice of the Philippines. ‘ With the lineup of coaches that the show has, it’s going to be of international standards,” sabi ni Braat.

Ilan sa mga nakasali ay ang rakista dad na gus­tong baguhin ang kanyang buhay, isang fresh college graduate na may papausbong na talento sa pagkanta, isang dating bokalista ng banda na gustong mapunta sa spotlight, isang Fil-Am working student na gustong magkaroon ng singing career, at balut vendor, taxi driver, at belt vendor na panandaliang isinantabi ang mga trabaho para maging singers.

At may nagpaiyak daw agad kay Sarah. 

Unang ginawa sa Netherlands noong 2010 at sa loob ng tatlong taon ay mahigit 40 bansa na ang nagkaroon ng sarili nilang bersyon ng programa kabilang na ang kilalang US version kung saan naupo bilang coaches ang international stars na sina Christina Aguilera, Adam Levine, Cee Lo Green, Blake Shelton, Shakira, at Usher.

Daiana hindi na uli dapat patulan

Next time hindi na dapat patulan si Daiana Menezes. Heto matapos siyang pansinin at bigyan ng tulong dahil sa mga pinost niya sa Instagram na “no to rape, no to violence against women’, real men don’t use violence, stop violence against women” ngayon ay iba na ang tuno ng pananalita niya. Pumasok na kasi ang DSWD dahil nag-tweet siya tungkol dito at  kahapon heto ang statement niya sa Instagram : “DSWD & I we all want this to stop quickly, please honestly just to end and please no more bad publicity news and most specially judgements; pls stop blaming the own free will of a person to forgive and to try to move on and cope at the same time, I beg its being hard. So reporting feeds of today are false, but they got a real call just now, so ‘‘Thank you to the director of @DSWD for talking to me June 15, 2013 at 8:06 am after wrong news were out.’’ Very nice person si Director Bonoan. ‘‘Thanks so much for the time ms daiana.-director Alice Bonoan, DSWD-NCR.’’

Makakabuntis daw ng iba ang bf, Toni wala nang bilib sa mga hula

Ngayong nagho-host na ng cooking show na may kasamang huntahan si Toni Gonzaga, maraming nagwi-wish na sana naman ay tumaba na siya.

Sigurado nga namang masasarap ang iluluto nila na sure din na titikman niya parati. So ang tendency nga naman ay tataba siya.

Wini-wish nilang tumaba dahil bakit daw kasi ang nipis ng katawan ng TV host-actress. Inggit na inggit sila. Hahaha.

Anyway, sa Hunyo 23 pa mag-uumpisa ang kanyang bagong cooking show na Kwentong Kusina, Kwentong Buhay na mapapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN.

Bukod sa masasarap na pagkain, meron din mga nakakaantig na kuwento mula sa totoong buhay na ilalahad sa programa sa pangunguna nga ni Toni. 

Sa bawat episode ay isang featured Kapamilya ang mapipili mula sa letter senders na magbahagi ng kani-kanilang nakakaantig na kuwento.

Tutuparin nina Toni at ng kanyang magiging panauhin ang hiling ng Kapamilyang ito na maghain ng espesyal na manggagaling sa San Miguel Purefoods recipe.

Hindi lang mga hiling ang matutupad kung hindi pati rin pangarap ni Toni na magpakitang-gilas sa pagluluto.

Mahilig kasi pala talagang mag­luto si Toni. Sa katunayan ay kumu­ha pa ang dalaga ng kursong cu­li­nary arts noon upang mahasa pa ang kan­yang kakayahan sa ku­­sina. 

So aabangan natin kung ta­taba na nga ang TV host-actress na aminadong inip na inip na rin namang magpakasal pero hindi pa naman siya ready kaya hindi pa rin talaga puwede.

Kaya nga hinulaan na lang siya na magkakaanak na raw ang kanyang boyfriend, pero hindi siya ang magiging ina ng bata. Natawa na lang si Toni. “Simula noong second year namin, every year may hula na mabubuntis ako, every year may hula na mabubuntis ako, at every year may hula na maghihiwalay kami at every year may hula na magpapakasal kami. So, hopefully may tumamang isa,” sabi niya sa presscon ng Kwentong Kusina, Kwentong Buhay na obvious na wala nang kabilib-bilib sa mga hula-hula.

Samantala, Toni overload every Sunday dahil apat na ang programa niya. Magsisimula siya sa ASAP 18, The Buzz, The Voice of the Philippines, at dagdag nga itong Kwentong Kusina, Kwentong Buhay.

 

 

 

 

 

 

BLIND AUDITIONS

KWENTONG BUHAY

KWENTONG KUSINA

SARAH

SHY

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with