^

PSN Showbiz

Mga anak iiwan sa ‘Pinas: Ruffa mag-aaral sa London ng International Political Economy

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sa June 24 pa ang birthday ni Ruffa Gutierrez pero nagkaroon na siya kahapon ng advance birthday celebration sa piling ng mga abused women sa Women’s Crisis Center ng East Avenue Medical Center, Quezon City.

Napaiyak na naman si Ruffa nang marinig nito ang mga kuwento na ibinahagi ng mga kababaihan na biktima ng pang-aabuso pero nalampasan ang mga pagsubok na pinagdaanan nila.

Napaluha si Ruffa dahil biktima rin siya ng pang-aabuso kaya naka-relate siya sa kuwento ng mga survivor.

Year 2007 nang makipaghiwalay si Ruffa sa kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas. Good role model si Ruffa sa mga babae na biktima ng violence na nahihirapan na maka-recover.

Bumalik na uli ang self-esteem ni Ruffa at hindi siya nahihiya na i-share ang kanyang mga karanasan na kapupulutan ng malaking aral.

Hindi natapos sa pagbabalik-showbiz ang full recovery ni Ruffa dahil ipagpapatuloy niya ang pag-aaral sa London, England. Aalis sa Pilipinas si Ruffa pagkatapos ng kanyang birthday sa June 24 para sa bagong chapter ng buhay niya. Ito ang message ni Ruffa para sa kanyang mga supporter at kaibigan:

“Dearest family & friends, I’m delighted to share the good news that I’m ma­king London my classroom this summer!

“My application to the King’s College London Summer School has been successful. I will be studying International Political Economy under Business & Management. If I can fix my schedule properly I will add another course... The Art of Leadership as well. 

“I will have this amazing opportunity to study at the fourth oldest university in England with a global reputation for academic excellence. Wish me luck as I take this leap of faith to broaden my horizons and improve myself as an individual.
  “I leave right after my birthday before the month ends. Don’t miss me too much! I’ll be back in August with invaluable knowledge and experience I will share with you and my peers.”

Walang magiging problema si Ruffa sa mga mapag-iiwanan sa kanyang mga anak na sina Lorin at Venice habang nag-aaral siya sa London.
Nandiyan ang kanyang mga magulang na mag-aalaga sa dalawang bagets. Mabilis lang isang buwan kaya sandali lamang na mami-miss ni Ruffa ang kanyang mga anak.

Puwedeng-puwede na sumunod sa London sina Lorin at Venice pero baka hindi makapag-concentrate sa pag-aaral ang kanilang mommy dearest.
Nakita ko nga pala ang dalawa sa birthday party ni Ryzza Mae Dizon na nag nosebleed uli dahil Ingleserang-Inglesera ang kanyang newfound friends.
Showbiz dads magtatagisan ng galing

Dahil Father’s Day bukas, mga celebrity father ang magtatagisan ng galing ngayong gabi sa Celebrity Bluff ng GMA 7.

Mga contestant sa Celebrity Bluff sina Ryan Eigenmann, Dennis Padilla, at Niño Muhlach. Showbiz daddy din ang invited na Celebrity Gangnam, ang Angelina Jolie ng Pilipinas — si Paolo Ballesteros!

Domestic violence na kinasasangkutan ni Daiana iimbestigahan

Iimbestigahan ng Startalk ang domestic violence na kinasasangkutan ni Daiana Menezes.

Tumangging magsalita si Daiana tungkol sa mga Instagram post niya na nagpapahiwatig na biktima siya ng pang-aabuso.

Kung anuman ang nangyayari ngayon sa Brazilian model-actress, dapat na maging inspirasyon niya si Ruffa Gutierrez na matapang na lumaban.

Watch ninyo ang Startalk ngayong ha­pon para sa kumpletong detalye ng cries for help ni Daiana.

Ilang beses nang nahuling nagtaksil, controversial couple hiwalay na, gf natauhan na sa user at unfaithful na karelasyon

Hiwalay na raw ang controversial couple dahil nabuking ng loving girlfriend na may ibang kasuyo ang kanyang unfaithful boyfriend.

Hinding-hindi na raw mapapatawad ng loving girlfriend ang mhin na mara­ming beses nang nahuli na nagtataksil.

Rejoicing ang pamilya at concerned friends ng loving girlfriend dahil na­gising na ito sa katotohanan. Sana nga dahil hindi karapat-dapat sa kanyang pagmamahal ang mhin na nuknukan ng sinungaling at may image na “use me in a sentence”! User sa mga hindi pamilyar sa showbiz lingo!

 

ANGELINA JOLIE

ART OF LEADERSHIP

CELEBRITY BLUFF

CELEBRITY GANGNAM

DAIANA

KANYANG

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with