^

PSN Showbiz

Aktres buburuhin muna matapos tumangging kontrabida

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dapat may kasunod ng soap ang isang aktres kung tinanggap ang offer ng kanyang home network na magkontrabida sa bagong soap na pagbibidahan ng isang magaling na aktres. Pero tinanggihan ng aktres ang project at tama ba ang nadinig naming rason nito na nagbibida na raw siya at ayaw nang magkontrabida.

Nanghinayang ang mga nakaalam sa project at role na tinanggihan dahil maganda at lulutang ang husay ng aktres sa pag-arte. Pero hindi siya pinilit ng kanyang network na tanggapin ang project kung talagang ayaw nito.

Kaya ang mangyayari, maghihintay siya ng ilang months bago mabigyan ng bagong project dahil nakakasa na ang shows sa second quarter ng taon.

In fairness, kung ang aktres na may bagong soap ang in-offeran ng kontrabida role, hindi nito tatanggihan. Ganun siya ka-confident sa kanyang career at sa husay umarte na puwedeng bida at kontrabida.

Alden hindi makahiwalay kay Louise

Hindi singer si Alden Richards kaya malaki ang pa­sa­salamat sa Universal Records na binigyan siya ng album.

Kilala na si Alden as the guy na nag-remake ng Haplos, ang carrier single ng album at pumasok sa top chart ng MyMusicStore. Worth listening din ang version ni Alden ng Can Find A Reason, Naaalala Ka at Everytime I See You na puro remake.

Pansin lang namin, hindi nakaligtas si Alden sa love team nila ni Louise delos Reyes dahil ang kapareha sa Mundo Mo’y Akin pa rin ang kasama sa music video. Oh, well gusto ito ng fans at wala tayong magagawa.

Hindi lang ang album ang nagpapa-excite kay Alden, pati na ang pelikulang 10,000 Hours na lalabas siyang young Robin Padilla dahil first time makakasama ang aktor at ngayon lang siya maididirehe ni Bb. Joyce Bernal. Baka makapasa rin sa MMFF ang movie.

Ibinalita rin ni Alden na extended ng two weeks ang Mundo Mo’y Akin.

Advertisers takot sa serye ng kabadingan

Inabangan ang paglabas ni Dennis Trillo sa My Husband’s Lover  dahil mas umingay sa social media ang serye sa day two at three. Pero inabangan din ang pilot ng serye batay sa 22.8 percent ratings sa Mega Manila at 20.9 percent sa Urban Luzon.

Ang tsika sa amin, hindi mapakali si Dennis habang basa Amerika lalo na nang malamang mas marami ang nagkagusto sa pilot episode pa lang, Gusto na nitong umuwi at excited mag-taping uli.

Tama ba kami sa obserbasyon naming walang totoong beki sa cast ng serye? Puro mga lalake ang gumaganap na bading pati si Kevin Santos. Unless may mga totoong bading sa bagong karakter na papasok dahil sabi ni direk Dominic Zapata, may mga madadagdag sa cast habang tumatakbo ang soap.

Tanong lang, totoo bang  may problema ang GMA Network sa advertisers ng My Husband’s Lover? Umiiwas daw maglagay ng commercial sa soap ang ilang advertisers, kaya humanga ang viewers sa advertisers na naglagay ng commercial sa tinatawag ngayong Pinkserye!

vuukle comment

ALDEN

ALDEN RICHARDS

CAN FIND A REASON

DENNIS TRILLO

DOMINIC ZAPATA

EVERYTIME I SEE YOU

MUNDO MO

MY HUSBAND

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with