^

PSN Showbiz

Kim at Maja mabubunutan na ng tinik!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalong umiinit ang tensiyong nararamdaman ng mga miyembro ng pamilya nina Celyn (Kim Chiu) at Margaux (Maja Salvador) sa pagtatapos ng consistent top-rating na Ina Kapatid Anak. Ngayong nagsanib-pwersa na sina Mio (John Regala), Lucas (Eddie Gutierrez), at Diego (Alex Medina), paano makakamit nina Celyn, Margaux, Beatrice (Janice de Belen), at Teresa (Cherry Pie Picache) ang pinaka-aasam nilang katahimikan para sa kanilang pamilya?

Kailangan pa bang may magbuwis ng sariling buhay para matapos ang lahat ng kasamaan?

Sa pagtindi ng mga plano ni Mio laban kay Teresa, kakayanin pa ba ng konsensiya ni Diego na ilagay sa peligro ang buhay ng kanyang tunay na pamilya?

Ngayong hanggang Biyernes na lang ang IKA, malamang din na nabunutan na ng tinik sina Kim at Maja na halatang-halata naman  na hindi na gustong makatrabaho ang isa’t isa.

Actually, parang mas mabigat sa part ni Kim dahil hindi talaga niya magawang tingnan si Maja kahit magkasama sila. Unless eklay lang ang ginagawa nilang isnaban para lalong pag-usapan ang pagtatapos ng IKA.

vuukle comment

ALEX MEDINA

CELYN

CHERRY PIE PICACHE

EDDIE GUTIERREZ

INA KAPATID ANAK

JOHN REGALA

KIM CHIU

MAJA

MAJA SALVADOR

MIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with