Ogie Alcasid gagawin ang lahat para sa anak
MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, inihahandog ng Magpakailanman ang isang espesyal na pagtatanghal para sa Father’s Day. Mula sa natatanging pagganap ni Ogie Alcasid bilang si Ronaldo Niangar, tunghayan ang kuwento ng isang ama na ginawa ang lahat para sa kanyang anak na may sakit na cerebral palsy.
Kasama rin sina Manilyn Reynes, Lexi Fernandez, Mona Louise Rey, Spanky Manikan, Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Kaye Samson, at Eva Darren.
Kumalat sa online ang pangalang Ronaldo Niangar at ang Flowers of Hope for Jewelyn. Si Ronaldo ang ama ng batang si Jewelyn na may cerebral palsy. Para tustusan ang pangangailangan ng anak na may special needs, gumagawa si Ronaldo at ang iba niyang mga anak ng flower pens na kanilang ibinebenta.
Pero ano ba ang kuwento sa likod ng Flowers of Hope? Ano ang naging buhay nina Ronaldo at ng kanyang mga anak bago bumalik ang pag-asa sa kanilang buhay? Nasaan ang asawa ni Ronaldo?
Mula sa mahusay na direksiyon ni Dondon Santos, sundan ang tunay na kuwento ni Ronaldo ngayong Sabado sa Magpakailanman – Flowers of Hope: The Ronaldo Niangar Story, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.
- Latest