^

PSN Showbiz

Kris nakipagsosyo kay Luis

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mga mag-asawa, magkapatid, magkatrabaho, mag­lolo, magkabarkada, at iba pang pares ang mag­­lalaban sa bagong edisyon ng Head to Head Chal­lenge ng Minute to Win It. Bago rin ang re­gu­las­yon na susundin ng mga maglalaro dahil walang time limit ang unang bahagi ng game. Ang unang pares na maglalaro na makakakuha ng apat na puntos ay mananalo ng P75,000 at magkakaroon ng pagkakataon na maglaro para sa P1M.

Unang maglalaro para sa pagsisimula ng Head to Head Challenge ay ang celebrity sisters na sina  Toni at Alex Gonzaga at Kim at Lakam Chiu. Ma­pa­panood ito sa buwang ito sa pamumuno ng host na si Luis Manzano, 11:00 N.U. sa ABS CBN.  

Balita namang may mga namumuno ng franchise ng MTWI ang nagbabalak bumisita ng bansa para personal na mapanood kung paano natin pinatatakbo ang Junior edition. 

Bukod sa excitement dahil sa tagumpay ng Mi­nute to Win It, masaya si Luis dahil nagbu­bu­nga na ang pagpapakahirap niya hindi lamang para ma­pa­ganda ang kanyang hosting kundi para maging kumportable ang mga naglalaro sa show. Sinabi niyang ang ma-recognize na ma­galing sa kanyang tra­baho ng mga award gi­ving bodies ang magpapakumpleto sa kanyang buhay. Meron na siyang award bilang artista na napanalunan niya sa unang pelikula na kanyang ginawa kasama ang kanyang inang si Gov. Vilma Santos, ang In My Life.

Masaya rin ang kanyang lovelife sa piling ni Jennylyn Mercado na sa halip na makaramdam siya ng selos o insecurity dahil ibinuyangyang nito ang kanyang katawan sa isang men’s magazine ay nakaramdam pa siya ng pagmamalaki o pride dahil may ganung asset ang kanyang girlfriend. Present pa nga siya sa pictorial ng kanyang nobya para sa nasabing babasahin at wala siyang naramdamang awkwardness habang pinanonood itong rumampa.

May mga negosyo na siyang sinimulan at matatagumpay na rin ito. Sa kanyang taxi business ay nakipagsosyo pa si Kris Aquino. ‘Yung garment business niya, kahit bago pa lamang, ay nagsisimula nang humataw.

Bagaman at inaasahan nang susunod siya sa yapak ng kanyang ina sa pulitika, sinabi niyang hindi niya ito mina­madali. 

Indie film na tungkol sa batang nagtuturo sa edad na 8, pag-aaralan na sa mga eskuwelahan

Kasama na rin sa curriculum ng parehong public at pri­vate schools ang Manoro ni Brillante Mendoza. Pag-aaralan na ito ng mga mag-aaral sa Grade 8 level. Masa­ya ang multi-awarded director dahil maka­katulong na rin siya sa paghubog ng kaisipan ng mga bata.

Ang Manoro ay tungkol sa isang 13 taong gulang na Aeta na elementarya lang tinatapos pero nagsisilbing guro sa  mga ka-tribu niyang mas ‘di hamak ang katandaan sa kanya. Tinuturuan niya silang magbasa at su­mulat para makabahagi tuwing panahon ng halalan.

Nanalo na ng awards ang Manoro sa Cinemanila Inter­na­tional Film Festival at maging sa mga filmfest sa ibang bansa. Kasalukuyang nilalakad din ni Direk Mendoza sa DepEd na maisama sa curriculum ang dalawa pa niyang pelikula na Thy Womb at Lola. Sa kanyang pagsasalita sa seminar ng PMPC ay inanunsyo niya na pumayag na ang nasabing ahensiya ng gobyerno na maisama rin sa curriculum ang dalawa pa niyang movies.

 

ALEX GONZAGA

ANG MANORO

BRILLANTE MENDOZA

CINEMANILA INTER

DIREK MENDOZA

KANYANG

SHY

WIN IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with