ABS-CBN at DZMM, wagi sa Rotary Club of Manila Journalism Awards
MANILA, Philippines - Muling kinilala ang galing ng ABS-CBN at DZMM sa pamamahayag nang maiuwi ng mga ito ang Television Station of the Year at Radio Station of the Year Award mula sa Rotary Club of Manila Journalism Awards na ginanap kamakailan.
Tinanggap ng ABS-CBN Corporate Communications head na si Bong Osorio ang TV Station Award at sinabing binibigyang diin ng naturang parangal ang dedikasyon ng ABS-CBN na maghatid ng mahahalagang balita sa publiko hindi lamang sa telebisyon at radyo kundi pati na rin sa iba’t ibang media platforms.
“Malayo na ang narating ng ABS-CBN mula sa pagiging isang broadcast company na nagdadala ng balita sa TV at radyo. Ngayon, isa na itong multimedia news organization na nagpapatrol, nagsusuri sa mga isyu, at pinaglilingkuran ang mga Pilipino sa loob o labas man ng bansa sa TV, radyo, cable TV, sa Internet, at social media. Kaya naman ABS-CBN ang nananatiling pinakatinututukan, pinakapinagkakatiwalaan, at pinakasinusundang broadÂcast news organization sa bansa,†aniya.
Ipinagmalaki naman ng DZMM station manager na si Marah Faner-Capuyan ang dedikasyon ng buong staff ng himpilan para sa ikalima nitong parangal bilang Radio Station of the Year.
“Patunay itong patuloy na tinatangkilik ng ating mga Kapamilya ang mga produkto ng DZMM mula sa balita at programa,†pahayag ni Capuyan.
Kamakailan ay kinilala rin ang ABS-CBN bilang ang pinakapinagkakatiwalaang TV network sa bansa matapos nitong matamo ang Gold Award mula sa Reader’s Digest Trusted Brand Awards, na kinikilala ang mga brand ang tunay na pinagkakatiwalaan ng mga mamimili sa Asya.
Inilunsad ang RCM Journalism Awards noong 1966 ng RCM, na isa mga pinakauna at pinakaprestihiyosong organisasyon sa bansa na kumikilala sa mga bukod-tanging personalidad at ahensya sa media.
- Latest