Hindi ini-level kina Bea, Toni, at Angel Shaina at Enchong kakapiranggot ang pangalan sa billing
Walang sumagot sa tanong ng isang press kung bakit mas maliit ang billing nina Enchong Dee at Shaina Magdayao sa pelikulang Four Sisters and a Wedding. Bukod sa nasa ikalawang linya ang pangalan ng dalawa samantalang nasa unahang linya ’yung kina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, at Angel Locsin, lubhang napakaliit ng mga letrang ginamit at mahirap basahin.
Kung ang layunin ng direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina ay mabigyan ng equal exposure ang lima niyang bida hindi lamang sa mga eksena kundi maging sa kuwento, baka sa billing siya magkaroon ng problema. Pero sinabi naman niyang wala siyang kinalaman sa billing, karapatan ito ng mga prodyuser ng pelikula at wala ang mga ito sa movie presscon para sumagot.
Ang Four Sisters and a Wedding ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 taon ng Star Cinema.
Malalaki na ang limang artista na gumaganap ng role ng magkakapatid pero isinama pa rin sa cast ang ilan pa ring malalaking pangalan para suportahan sila. Tulad nina Coney Reyes, Angeline Quinto, at Sam Milby. Kasama pa rin sina Carmi Martin, Buboy Garovillo, Bernard Palanca, at Janus del Prado.
Inamin ni Direk Cathy na ang orihinal na plano ay pagawin siya ng isang family drama pero tumanggi siya sa kuwento ng mother and child dahil palasak na ito. Mas ginusto niya ang kuwento ng apat na magkakapatid at kahit first time niyang gumawa ng isang ensemble project, she took on the challenge. Nahirapan siya, hindi sa punto ng acting dahil magagaling ang mga naibigay sa kanyang mga artista kundi paano gagawing parehas ang kanilang mga role.
Pero hindi pansin ni Shaina ang billing niya sa pelikula. Ang mas importante ay nakasama siya rito at sapat na ito sa kanya. Mas pinahahalagahan niya ang magandang takbo ng kanyang career.
Inamin ng limang artista na nag-enjoy sila sa paggawa ng pelikula. Una may nabuong mahigpit na bonding sa kanilanag lima. Tumaba sila sa mga cake na palaging dala ni Toni at ipinakakain sa kaÂnila sa set.
Mapapanood ang Four Sisters and a Wedding sa June 26 sa mga sinehan sa Kamaynilaan.
Enrique hindi pa alam kung anong direksiyon ng career
Ayaw pa munang gumawa ng indie film ni Enrique Gil. Gusto pa niyang ihanda muna ang sarili niya bago siya sumabak dito. ’Pag medyo malawak na ang mga role na nagagampanan niya ay saka siya sasabak sa paggawa ng alternative films.
Inamin ng batang aktor na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam kung ano talaga ang role na gusto niyang gampanan. Napasabak na siya sa drama at nakalabas na rin sa comedy.
“Baka kapag nakagawa na ako ng action malaman ko na kung saan talaga ako at home. By that time handa na ako sa indie. Pero sa ngayon try muna ako ng iba-ibang role,†anang bagong kapareha ni Juilia Montes sa Muling Buksan ang Puso.
Helen nagpatali sa singko
Sa kabila nang napakagandang role na ginawa ni Helen Gamboa sa Walang Hanggan ng ABS-CBN nagawa pa rin niyang pumirma sa TV5 na kung saan ay gagawa siyang dalawang serye. Sa kanya sana ibibigay ’yung role na tinanggihan ni Amalia Fuentes sa isang serye pagsasamahan sana nila ni Susan Roces.
With Helen out of the picture, kay Pilar Pilapil na mapupunta ang role na hindi naman alangan dahil Pilar is doing a good job in Ina, Kapatid, Anak bilang ina nina Janice de Belen at Cherry Pie Picache.
- Latest