Shaina wala nang time ma-in love!
Kahit si Shaina Magdayao natawa sa description sa kanya ni Direk Cathy Garcia-Molina na mabagal siyang mag-deliver ng dialogue, kaÂya good luck na lang daw sa kanya sa dubbing ng pelikulang Four Sisters and a Wedding. Showing ang movie nationwide sa June 26.
Sobrang thankful si Shaina sa Star Cinema na isiÂnama siya sa project, kaya walang reklamo sa billing niya na nasa ilalim ng mga paÂngalan nina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, at Angel Locsin. KahileÂra ng name niya sa second line at mas maliit ang letra si Enchong Dee na for sure, wala ring keber sa bilÂling.
Ang ganda ng sagot ni Shaina sa tanong kung ano ang na-gain niya sa shooting nang nabanggit na pelikula at kung paano sila nag-bonding na lima?
“Nagpapasalamat ako na kaÂsama ako sa magandang project at pinaka-bonus na I gained friends in Toni and Angel. I worked with Angel na sa Lobo, pero wala kaming time makapag-bonding. Bea is my friend at ganoon din si Enchong. I know after this movie panghahawakan ko ang friendship namin,†sagot nito.
Ginagampanan ni Shaina ang role ni Gabbie, bunso sa Salazar siblings at dahil bunso rin siya in real life, naka-relate siya at hindi nahirapang umarte. Kahit sunud nang sunod siya sa mga kapatid, ang maganda, suÂportado siya ng mga ito lalo na ‘pag nagkaka-problema, pati problema sa puso.
Bago natapos ang interview kay Shaina, nataÂnong ito kung nagÂÂkita na sila ng ex niyang si John Lloyd Cruz mula nang sila’y mag-break? “Oo†ang sagot, pero hindi sila nag-usap. “There’s no reason to talk,†dagdag nito. Nakiusap din itong ‘wag nang pag-usapan pa si John Lloyd dahil ayaw niyang isipin ng tao na ginagamit niya ito para sa Four Sisters and a Wedding.
Loveless pa rin si Shaina, pero may mga nagpapaÂramdam kaso trabaho ang focus niya ngayon at wala siyang time ma-in love. Sa taping lang ng Juan Dela Cruz, kinakain na ang oras niya at may ASAP pa siya, saka na raw ang pag-ibig.
Wala pala talaga sa kumbento, Chin-Chin sumali sa paseksihan
Kasama ang pangalan ni Chin-Chin Gutierrez bilang isa sa 16 Pinoy celebrities na sumali sa People for the Ethical Treatment of Animals o PETA’s sexiest vegetarian contest. Ang paÂgiging Sexiest Vegetarian Celebrity of PETA ang paglalabanan, online ang botohan.
Makakasama ni Chin-Chin sa bagong kampanya ng PETA sina Maricel Laxa-Pangilinan, Yasmien Kurdi, Alicia Mayer, Geneva Cruz, Juliana PaÂlerÂmo, Rocco Nacino, at Raymond Bagatsing. Ibig sabihin, hindi totoong pumasok na sa kumbento si Chin-Chin para magmadre dahil bawal sa mga madre ang sumali lalo na sa contest na paseksihan sa pagiging vegetarian.
James Yap nag-iisip pa kung magpapatawa
Desperate Husbands daw ang title ng sitcom ni Ryan Agoncillo na iko-co-produce niya at ang Archangel Media ni Mr. Tony Tuviera at mapapanood sa TV5. In-offeran daw si James Yap na mapasama sa cast, pero hindi pa nito tinatanggap ang offer.
Kundi pa napapalitan, binanggit sa amin na kasama sa cast sina Quezon City councilor Anjo Yllana at Paolo Ballesteros. Alam na ang magiging role ni Anjo, isa siya sa husband, pero si Paolo, ano kaya ang role?
Si Joey Reyes ang scriptwriter at director ng sitcom, kaya expect nating nakakatawa itong Desperate Husbands. July ang target pilot nito.
Alden kasama sa pelikula ng buhay ni Sen. Lacson
Kasama pala si Alden Richards sa cast ng movie ni Robin Padilla na 10,000 Hours o Ten Thousand Hours. First time niyang makakasama ang actor at ngayon din lang siya maididirek ni Bb. Joyce Bernal, kaya dobleng bonus ito sa kanya.
Ngayon lang uli gagawa ng pelikula si Alden after The Road, kaya excited at lalo pa itong matutuwa kung matutuloy isali sa 2013 Metro Manila Film Festival ang pelikula na nasulat na naming inspired ng life story ni Sen. Ping Lacson noong maging fugitive ito.
- Latest