^

PSN Showbiz

Binuko ng Mommy, Charice nakikitira na sa karelasyong singer

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Noong isang linggo ay ginulat ni Charice ang buong mundo sa kanyang naging rebelasyon. Inamin ng international singer na isa siyang lesbian sa panayam namin sa The Buzz. Pagkatapos nito ay ang inang si Mommy Raquel Pempengco naman ang nagbigay ng kanyang emosyonal na reaksiyon tungkol sa paglalantad sa publiko ng tunay na pagkatao ng anak.

Umamin din si Mommy Raquel na naging lesbian din siya noong kabataan niya.

“Hindi nanligaw. Ako ’yung tomboy pero sinunod ko ’yung nanay ko. Sinabi ko naman ’yun kay Charice. Sabi ko, na-experience ko na rin ’yan pero nagbago ako. Pakiramdam naman ’yan eh. Puwede mo baguhin kung gugustuhin mo lang,” seryosong pahayag ni Mommy Raquel.

Minsan na niyang nasaktan si Charice nang magkaroon sila ng komprontasyon tungkol sa totoong seksuwalidad ng singer.

“Noong time na nakita ko ’yung laptop niya naka-open, sabi ko, ‘Charice tomboy ka ba?’ ‘’Di po, sino na naman nagsabi? Naniniwala na naman kayo kung kani-kanino. Ba’t doon kayo maniniwala?’

“‘Huwag mo ako sasagutin ng ganyan, nagtatanong lang ako.’ Nasabunutan ko siya noon. Siguro kung ano na lang mahila ko noon. Nasa LA (Los Angeles) kami noon. Hindi ko kasi akalain na sasagutin ako ng gano’n ng anak ko,” kuwento ni Mommy Raquel.

Hindi nagtagal ay nakarelasyon ni Charice ang American manager nitong si Courtney Blooding. Nag-e-mail daw ang anak kay Mommy Raquel upang aminin ang tunay na nararamdaman sa kapwa babae.

“Ang katuwiran niya, ‘Teka, may pinagmamalaki na ako ngayon eh. Bakit ba? Ikaw, papaalam ko lang sa ’yo. Nakikita n’yo naman sa Facebook, eto ako eh. Kami na ni Courtney eh. Natatakot daw siya na sabihin sa akin nang harapan. Sabi niya tanggapin n’yo na lang kasi, wala na, eto na talaga ako,” dagdag pa niya.

Noong una ay pinayuhan pa raw ni Mommy Raquel ang anak na ilihim muna nila ang pagiging tomboy ni Charice dahil sa pamamayagpag ng international career nito. Natanggap naman ng ina ang desisyon ni Charice. Ang ikinasasama lamang daw ng loob ni Mommy Raquel ay ang pagbabago ng ugali ng kanyang anak.

“Okay naman sanang maging lesbian pero sana ’yung pag-uugali niya, ’yung kinalakihan niyang pagmamahal sa pamilya niya, sana ’yun ang hindi niya tinanggal,” emosyonal na pahayag ni Mommy Raquel.

Isa pa sa mga hinanakit niya kay Charice ay ang pag-alis nito sa kanilang bahay at ang pagtuloy ng singer sa isang bahay sa Cabuyao, Laguna. Dito raw nakatira si Alyssa Quijano na sinasabing bagong karelasyon ng kanyang anak.

“Kalimutan na niya akong ina pero ’di ko matatanggap si Alyssa. Isa lang naman ang sinasabi ko, i-priority pa rin niya ang pamilya niya kahit na gusto niyang gawin ’yung kasiyahan na sinasabi niya kasi masakit sa amin ’yung sasabihan mo na, ‘Nakakita na ’ko ng ikalawang pamilya.’ Na sa loob ng isang buwan masasabi ko na kulang ang pasasalamat sa loob ng isang buwan para pasalamatan ang mga tao na ’yan. Parang sinabi niya na rin na ‘Meron na akong pangalawang pamilya. Itinakwil ko na ’yung una,’” giit pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS

 

AKO

CHARICE

MOMMY

MOMMY RAQUEL

NAMAN

NIYA

NOONG

RAQUEL

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with