Charice magpapakatotoo kay Mareng Winnie
MANILA, Philippines - “Huwag maging ipokrito, maging totoo sa sarili,†ang payo ni Prof. Solita Monsod bilang pagsusuma sa isyu ng pag-amin ng mang-aawit na si Charice Pempengco na isang lesbian.
“Maaaring hindi ako role model ng lahat ng tao pero may mga kabataan na may maÂtuÂtutunan sa pinagdadaanan ko,†sabi naman ni Charice.
Sa panayam ni Prof. Monsod, sinabi ni Charice na limang taong gulang pa lang siya ay alam na niyang iba siya sa karaniwang mga batang babae. May kaklase raw siyang naging malapit sa kanya na noong minsang lagnatin ay alalang-alala siya.
“Inihatid ko siya sa kanila at naligaw ako pauwi,†ayon kay Charice. Parang sa telenovela raw ang kanyang nararamdaman noon dahil “gustung-gusto ko siya.â€
Nang tumuntong sa edad na 18, ipinaÂalam na niya sa kanyang ina ang kanyang tunay na nararamdaman.
“Parang rollercoaster, kung minsan ay okay, kung minsan ay hindi†ang pagtingin ng kanyang ina sa isyu.
Aminado si Charice na nakatulong sa kanyang pag-amin ang katotohanang may sapat siyang kita bilang mang-aawit.
At kung mayroon man daw nagtulak sa kanyang ihayag ang tunay na seksuwalidad, ito ay ang mga naghihinala at kumukutya sa kanya. Ang mga ito ay nagsimula nang magÂpagupit siya ng buhok.
Ipinaliwanag din ni Charice ang mga tattoo sa kanyang braso at dibdib sa BaÂwal ang Pasaway Kay Mareng WinÂnie ngayong Lunes, Hunyo 10, ika-10 ng gabi, sa GMA News TV Channel 11.
- Latest