OMB at PNP nagsanib-puwersa laban sa pamimirata
Ang Philippine National Police (PNP) at OptiÂcal Media Board (OMB) sa pakikiÂpagtulungan sa Motion Picture Film Anti-Piracy Council ay nagsanib-puwersa kaÂsama ang mga film exhibitor at ibang grupo ng cinema para tiyakin at pagtibayin ang criminal prosecution laban sa Intellectual ProÂperty Rights violators.
Ang Optical Media Board na pinamamahalaan ni Chairman Ronnie Ricketts ay naging lubhang aktibo para masugpo ang pamimirata sa pamamagitan ng illegal na camcording. Kabilang dito ang kampanya sa camcording sa pamamagitan ng flyers at materials na pinamaÂmaÂhagi tuwing may public information drives, dialogues, at student interviews.
Sa pagbisita nila sa mga cinema, ang OMB ay binabantayan ang ‘‘would be†violators ng Philippine Anti-Camcording Act of 2010.
Naging abala rin si Chair RicÂketts sa anti-piracy campaign sa Metro Manila at mga out-of-town area.
Naging matagumpay ang kampanya nila dahil walang lumabas na pirated tape ng mga pelikulang Star Trek into Darkness lalo na ng Fast and Furious 6. Kahit ang Iron Man 3 ay ’di rin napirata. NagpapaÂsalamat ang grupo sa publiko sa pagtulong nila sa movie industry.
Ang Iron Man 3 ay unang ini-release sa Pilipinas bago ito ipalabas sa ibang bansa .
Samantala, noong May 28 ay naimbita si OMB Chairman Ronnie ni Peter Fowler, US Regional Intellectual Property Attache for Southeast Asia, as guest speaker sa ASEAN-USPTO Advanced Workshop on IP Enforcement for Criminal Investigators and Public Prosecutors. Ang event ay idinaos sa Aetas Hotel, Soi Ruam Rudee Ploenchit Rd., Bangkok, Thailand.
- Latest