Robin at Rommel Padilla nagkaayos na!
Nag-storycon na pala last Saturday ang pelikulang Ten Thousand Hours na pagbibidahan ni Robin Padilla at ididirehe ni Bb. Joyce Bernal. Ibig bang sabihin naayos na ang conflict nina Robin at kapatid niyang si Rommel Padilla?
Nagkaroon ng conflict ang magkapatid dahil, ayon sa tsika, gusto ni Robin na ang nabanggit na pelikula ang i-submit sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Gusto naman ni Rommel na ang Kuratong Baleleng na matagal nang tapos at bida rin si Robin ang ipasok sa MMFF lalo’t matagal ng tapos.
Matagal ang paliwanagan ng magkapatid at ngaÂyong nag-storycon na ang Ten Thousand Hours, ibig saÂbihin ay may script na at masisimulan na ang peliÂkula. Sabi naman sa inyo hindi papayag sina Robin at Rommel na masira ang pagiging magkapatid nila dahil lang sa pelikula. Kaya lang kailan kaya ipalalabas ang Kuratong Baleleng? Sayang ang ginastos nina Robin at Rommel kundi ito maipapalabas.
Samantala, sina Cong. Ronald Singson, Neil ArÂce, at baka kasali rin si Boy 2 Quizon ang producer ng Ten Thousand Hours na inspired sa buhay ni Sen. Ping Lacson noong naging fugitive siya. Tila may shooting sila sa Berlin, Germany.
Bukod kay Robin, ang alam pa lang naming kasama sa cast ay sina Wynwin Marquez at Bela Padilla. Under ito sa Fearless Productions ni Cong. Singson.
Bianca ngayon lang aastang rich girl
First time pala ni Bianca King na gumanap na mayaman sa Afternoon PriÂme ng GMA 7 na Maghihintay Pa Rin na simula na ng airing this Monday. Sa mga nakaraan niyang soap, lagi siyang mahirap at inaapi. Dito, mayaman na, may strong personality pa siya, pero mabait naman. Hindi na siya naghanap ng peg dahil sinabihan ni Direk Don Michael Perez na ang sarili ang gawing peg sa role ni Geneva de Villa.
Mabilis nagkasundo sina Bianca at Rafael Rosell at mabilis ding lumabas ang kanilang chemistry. Between Rafael and Dion Ignacio na isa pa sa kapareha ni Bianca, si Rafael ang kanyang pinili for the said reasons.
Idagdag pa na marami silang pagkakapareho at maraming napag-uusapan kaya hindi nakakagulat na sa maikling panahon, “Rafa†na ang tawag ni Bianca kay Rafael. Matanong nga ang aktor kung ano naman ang tawag niya kay BianÂca?
Gusto ni Bianca ang story ng Maghihintay Pa Rin na tungkol sa Overseas Filipino Worker (OFW). Unang dinig pa lang niya sa project, at ’di pa alam na siya ang magbibida, ginusto na niya at feeling niya ay magagampanan niya ng husto. Kaya laking tuwa nito nang sa kanya nga ibigay ang serye.
Bukas ang alis nina Bianca at ibang cast para sa eight days taping sa Singapore. Doon na dumiretso si Rafael galing ng Amerika at sabay na silang babalik ng bansa.
- Latest