Thy Womb at Lola ni Direk Brillante kasama sa curriculum ng private and public schools
Hindi ko kailanman pinagdudahan ang pagiging henyo ni Brillante Mendoza sa pagiging direktor ng pelikula. Kahit maraming bagay akong hindi naiintindihan sa mga mensaheng gusto niyang ipaabot sa mga nanonood ng kanyang pelikula, andun palagi ang pagkakataon for him to redeem himself at hindi naman niya ako binibigo. Naniniwala pa rin ako na nadala siya sa paggawa ng Thy Womb kung kaya nawala ang pansin niya na may Superstar siya sa kanyang cast. Nabuhos ang pagpapaganda niya ng pelikula at napabaÂyaan si Nora Aunor. Hindi man ako ganÂdang-ganda sa naging performance ni Nora sa pelikula, maganda ang Thy Womb, hindi ito mapasusubalian.
Naging mahalagang speaker siya sa katatapos na seminar/outing ng PMPC (Philippine Movie Press Club) na ini-sponsor ni Gov. ER Ejercito sa Sentoza Elenita, isang private hot spring resort sa Los Baños, Laguna na pag-aari ni Doña Elenita A. Alzona.
Sa kanyang speech sinabi ni Direk Mendoza na pangarap niyang mabigyan ng solid folloÂwing ang mga alternative films na unti- unti nang nagpapakilala sa bansang Pilipinas sa abroad. Soon, hangad niya na magÂkaroon ng katuparan na ang Pilipinas ay magawang kapital ng Asean Films. Masaya niÂyang sinabi na kahit dehadung-dehado siÂlang mga alternative filmmakers ay nakikiÂpagÂÂnegosasyon sila para maipamahagi ng mga malalaking film and TV productions ang kaÂnilang mga pelikula at mapanood at mai-proÂÂmote rito sa bansa. Masaya nitong sinabi na ang kanyang mga pelikulang Thy Womb at Lola ay magiging bahagi na ng curriculum ng mga private at public schools.
Daniel kontra sa pakikipag-dyowa ng ina
Masisisi mo ba ang mga anak ni Karla Estrada, sa panguÂnguna ng pinakasikat na young actor ngayon na si Daniel Padilla, kung lahat sila tutol sa pagkakaroon ng karelasyon ng kanilang ina? Sa mga kasalukuyang kaganapan nga naman na marami sa mga babae ay tumatanggap ng pagmamalupit mula sa kanilang karelasyon o ‘di kaya naman ay pinagkakakitaan sila nito, ay may takot ng namamahay sa kanilang mga puso na baka isa ring walang puso ang matagpuan ng kanilang ina, at magkaaway-away lang sila. Siyempre wala sa kanilang mga anak ang papayag na mamaltrato si Karla.
- Latest