Dyowa ni Charice natakot magpa-interview
PIK: Puspusan ang pagpapalaganap ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pagri-rate ng mga pelikulang napapanood natin kaya bukas na nila ilo-launch ang Film Ratings Infomercial.
Gaganapin ito sa Greenbelt 3, Makati City bukas ng hapon na pangungunahan ni MTRCB Chairman Toto Villareal, kasama ng mga board member nito.
Malamang na sasagutin na rin ni Atty. Villareal ang isyung hinaharap ni Vice Ganda na ipinatawag na raw ng naturang tanggapan para sagutin ang gender sensitivity issue na ibinibintang sa kanya.
PAK: Natawa si Ara Mina sa intriga naÂming magpapakasal na ba siya kay Bulacan Mayor Patrick Meneses?
Nag-post si Ara sa kanyang Instagram account na kuha ang isang diamond ring. Kaya napagdudahang engagement ring ito ng aktres.
Hindi raw engagement ring iyon, ayon kay Ara. Lumang singsing na raw iyon na matagal nang ibinigay sa kanya ng kanyang ina.
“Huwag kang mag-alala. Kapag meron nang engagement ring, sasabihin ko agad sa ’yo,†pangako sa amin ni Ara.
Inamin naman niyang napapag-usapan na nila ito ni Mayor Meneses pero hindi pa naman pinaplano.
Pero wish naman ng aktres na sana si Mayor Meneses na nga ang lalaking makakasama niya sa kanyang pagse-settle down.
BOOM: Special guest ng Startalk TX si Charice kahapon pero hindi na gaanong napag-usapan ng live ang tungkol sa mga sinabi ng kanyang ina na si Raquel Pempengco, ang kapatid niyang si Carl, at ang lola nitong si Tess Relucio.
Naniniwala si Charice na darating ang araw ay magkakaayos din sila at sana tanggapin na raw ng pamilya niya ang karelasyon nitong si Alyssa Quijano.
Kasama ni Charice si Alyssa na dumaÂting sa studio pero tumanggi itong magpa-interview.
Natatawa lang ito nang ni-reveal ni Charice na bukod kay Sarah Geronimo, crush din niya sina Sam Pinto, Pauleen Luna, at Marian Rivera.
Nandun din si Dingdong Dantes sa studio na natatawa na lang nang nabanggit si Marian.
Pero seryoso ang international singer na nagpapasalamat kay Alyssa sa lahat ng suporta at inspirasyon na ibinibigay sa kanya.
- Latest