Lani Misalucha balik ABS-CBN, Bamboo at Daniel back to the 80s
MANILA, Philippines - Back to the ‘80s ang buong pamilya ng ASAP 18 ngayong Linggo (Hunyo 9) tampok ang non-stop timeless at classic performances na panguÂngunahan nina Daniel Padilla, Bamboo, at Sarah Geronimo.
Ipagdiwang ang naiibang ganda at sigla ng musika noong dekada ’80 sa nakamamanghang vocal act ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha; at sa makatindig-balahibong musical performance ng biggest ‘80s OPM icons na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Randy Santiago, at Jaimie Rivera.
Tiyak na lalong magiging makulay ang selebrasyon ngayong Linggo sa pagsalubong sa Pilipinas Got Talent 4 grand winner na si Roel Manlangit; at sa kaabang-abang na dance showdown nina Kim Chiu at Maja Salvador para sa grand farewell ng Ina Kapatid Anak.
Samantala, isang special IndepenÂdence Day celebration naman ang matutunghayan sa ASAP 18 centerstage na pangungunahan nina Mr. Pure Energy at ng OPM band vocalist na si Rico Blanco.
Makiindak at makikanta din sa nakahahawang sayaw at galaw nina Vina Morales, Iza Calzado, Nikki Gil, Gerald Anderson, Julia Montes, Kathryn Bernardo, Empress, John Prats, Rayver Cruz, Iya Villania, Meg Imperial, at KC Concepcion sa makapigil-hiningang production number nila sa ‘Supahdance;’ na susundan ng best of the ‘80s concert treats nina Toni Gonzaga, Yeng Constantino, Jed Madela, Kean Cipriano, KZ Tandingan, Paolo Valenciano, at Piolo Pascual.
Andrea Brillantes, binansagang susunod na Judy Ann Santos
Bilib na bilib ang orihinal na direktor ng Annaliza noong 80s na si Gil Soriano sa husay na ipiÂnaÂpaÂkita ng rising teleserye princess na si Andrea Brillantes sa 2013 remake ng soap opera at binansagan pa niya ang batang aktres bilang susunod na Judy Ann Santos.
Sa thanksgiving party ng Annaliza na ginanap kamakailan, todo papuri si Gil kay Andrea at sinabing, “Magaling siya. Tingin ko tatagal siya.
Baka ‘yan ang papalit kay JuÂdy Ann Santos.†Ipinahayag din ni Gil ang kanyang paghanga sa programa na muling umantig at tinanggap ng sambayanan. “NaÂgandahan ako. SaÂbi ko mukhang magre-rate ito,†ani Gil.
Palung- palo sa national TV ratings ang pilot week ng Annaliza at mas lalo pa itong tinututukan ng mga manonood sa lalo pang umiinit nitong mga tagpo.
Pambubully kay ‘Amalayer’ at Christopher Lao, bubusisiin ni Ted
Sino ba naman ang hindi makakalimot sa kontrobersiyal na sina Paula Jamie ‘Amalayer’ Salvosa at Atty. Cristopher Lao na parehong sumikat at binatikos dahil sa kani-kanilang video na kumalat sa Internet?
Tatalakayin ni Ted Failon ngayong Sabado (Hunyo 8) ang ‘bullying’ at iba’t ibang uri nito kasabay ng pagbusisi sa pinag-uusapang isyu tungkol kina Salvosa at Lao sa award-winning investigative progÂÂÂram na Failon Ngayon.
Matatandaang lumikha ng ugong sina Salvosa at Lao sa social media at telebisyon. Iba’t ibang negatibong komento ang ibinato kay Salavosa nang may mag-upload ng video niya sa LRT habang tinatalakan ang isang lady guard. Samu’t saÂring insulto naman ang dinanas ni Atty. Lao nang mahagip ito sa isang TV news program habang pilit na itinatawid ang kotse sa binahang bahagi ng Quezon City. Dahil dito ay binansagan pa si Lao na ‘Pambansang Bobo ng Pilipinas.’
Ilan lamang sina Salvosa at Lao sa mga biktima ng cyberbullying na binaha ng pangungutya sa social media. Dahil sa hindi mabilang na kaso ng bullying, naipasa na sa Senado at Kongreso ang Anti-Bullying Act. Aprubahan kaya ito ng pangulo para ganap na maging batas?
Panoorin ang Failon Ngayon ngayong Sabado (Hunyo 8), 4:45 PM, pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN.
Kapuso Mo, Jessica Soho makikiisa rin sa kampanya ng bullying
Ngayong Linggo, lilipad ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas para tuklasin ang ilan sa mga katangi-tanging lugar sa bansa.
Isa na rito ang Cebu at ang sikat nitong mga inmates. Makisayaw kay Dingdong Dantes at sa Cebu Dancing Inmates, ang mga bituin ng pelikulang Dance of the Steel Bars mula sa GMA Films and Portfolio Films International. Abangan rin ang segment sa Cebu tungkol sa isang napakatalinong aso at ang kanyang amo.
Makikiisa rin si Jessica Soho sa kampanya laban sa talamak na kultura ng bullying hindi lang sa mga paaralan kundi hanggang sa lipunan. Sa episode rin na ito masasaksihan ang samu’t-saring pagkaing banyaga na matatagpuan sa Pilipinas. Samahan naman ang mga nagpipitagang artista habang sila’y bumibisita sa kani-kanilang alma mater. Totoo kaya ang mga sirena? Sisiyasatin rin ito ng KMJS ngayong Linggo.
- Latest