^

PSN Showbiz

AiAi kayang-kaya na mawala sa katinuan

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami ang naniniwalang magagampanan nang husto ni AiAi delas Alas ang role na ibinigay sa kanya sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado. Malalim ang pinagdadaanan niyang problema ngayon at makakatulong ito para mabilis siyang makapaghugot ng emosyon.

Tatag at tindi ng pagmamahal ng isang pamilya ang kuwentong ibabahagi ng Comedy Concert Queen. Gagampanan niya ang karakter ni Susana, isang mapagmahal na ina na nawala sa katinuan dahil sa iba’t ibang problema na kanyang kinakaharap sa buhay. Dahil sa kanyang pinagdadaanan ay buong-pusong inako ng anak ni Susana na si Roy (Joseph Marco) ang responsibilidad ng pag-aalaga at pag-aaruga sa kanyang ina at mga kapatid.

Paano nga ba makatutulong ang pagmamahal ng mga anak at pamilya ni Susana upang malampasan niya ang pinakamalaking pagsubok sa kanyang buhay? Kasama nina AiAi at Joseph sa episode sina Emilio Garcia, Sharlene San Pedro, Maliksi Morales, Veyda Inoval, Raquel Montessa, Casey Da Silva, Baby Red, at Chienna Filo­meno. Ito ay sa direksiyon ni Mae Czarina Cruz.

Kris Bernal pumayag nang maghubad at maging adik

Kris Bernal magbu-bold na sa isang pelikula ni Gil Portes! Talagang sumabak ito sa audition para makuha ang role ng isang drug addict na makikilala ang kanyang ama na may sakit na cancer habang nasa rehab siya. Hindi ang ginawa niya sa audition ang nagsilbing dahilan para sa kanya ibigay ni Portes ang role kundi ang marubdob niyang pagnanasa na nakuha ang role at makagawa ng isang proyekto na gugulat sa marami nang nakakakilala sa kanya at nasanay na sa klase ng kanyang performance in her past works.

Dalawa ang magiging leading man ni Kris pero kay Dominic Roco siya magkakaroon ng maraming maiinit na eksena. Si Enzo Pineda ang isa pa niyang kapareha.

Barbie ginawang vocal coach si Derrick

Tiwala si Barbie Forteza sa kakayahang kumanta ng kapareha niya sa Anna Karenina na si Derrick Monasterio kung kaya kinuha niya ito para siya gabayan habang ipino-promote niya ang kanyang debut album.

Si Derrick ang nagsisilbing vocal coach ng batang aktres pero hanggang sa pagsasatono lamang ng kanyang mga kanta ang ginagawa ni Derrick.

Charice ayaw ipangalandakan ang gf, biglang naalala ang pamilya

Bigla, ginagamit na ni Charice ang apelyido niyang Pempengco. Ibinalik na niya ang apelyido niya kasabay ng paglalahad niya na isa siyang tomboy. Pero ang nanay niya hanggang ngayon ay dismayado sa ginawa niyang pag-amin. Naniniwala naman ang international singer na maaayos din ang relasyon nila kapag nagtagal na at natanggap na rin ng kanyang ina ang lahat.

Samantala, hindi na itinatanggi ni Charice ang relasyon nila ng kapwa niya singer na si Alyssa Quijano pero sinabi niyang ayaw niyang ilantad ito at gawing publiko. May pamilya ito na maaapektuhan sa ginawa niyang paglalantad at pag-amin ng kanilang relasyon.

Nauna nang nakitang kasama ni Charice si Alyssa sa kanyang mga huling interview.

ALYSSA QUIJANO

ANNA KARENINA

BABY RED

BARBIE FORTEZA

CHARICE

KANYANG

KRIS BERNAL

NIYA

NIYANG

SUSANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with