^

PSN Showbiz

Team nina Chris Tiu at Borgie Hermida magsasalpukan sa Master Game Face All Star Challenge

Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maglalaban-laban sa Master Game Face Challenge ang mahuhusay na mga manlalaro ng basketball sa kolehiyo sa FilOil Flying V Arena San Juan sa Hunyo 8.

Ang nasabing laro na inihahandog ng Master na isang pangunahing facial wash sa bansa ay magtatampok sa dalawang collegiate legends na sina Chris Tiu ng Ateneo at Borgie Hermida ng San Beda.

“Nakapili kami ni Borgie ng mga manlalaro mula sa magagaling na collegiate team sa bansa. Nakakaaliw ito sa akin bilang fan ng college game.  Nakakatiyak ako na ganito rin para sa mga fan na manonood,” sabi ni Chris.

Pagkatapos ng isang buwang online voting, nailatag na ang panimulang lineup ng Team Chris - sina Kiefer Ravena, Juami Tiongson, Jeron Teng, Aljon Mariano, at Karim Abdul.

Magsisimula naman ang Team Borgie sa tatlong San Beda player na sina Baser Amer, Ola Adeogun, at Rome De La Rosa na nakakuha ng mas maraming fan votes sa kani-kanilang posisyon. Sasamahan sila nina NU shooting guard at UAAP two-time MVP Bobby Ray Parks at Andrei Paras ng UP.

Kakaibang oportunidad din ang Master Game Face Challenge na makitang magkakasama sa team ang matagal nang magkakalaban sa hard court.

Magsisimulang magkasama sa Team Chris sina King Archer Jeron Teng ng La Salle, King Eagle Ravena at Ateneo co-captain Juami Tiongson on Team Chris.

“Magkakaibigan kaming lahat sa labas ng court. Pinangarap ko ring makalaro ang mga player na tulad nina Jeron at Jeric (Teng ng UST),” sabi naman ni Kiefer.

Mamumuno sa reserve corps ng Team Chris si Jeron Teng ng UST na hahalili sa bunso niyang kapatid na si Jeric sa small forward position. Tampok din sa Team Chris ang dalawa sa nakakaintrigang first year player ng UAAP na sina Kib Montalbo ng La Salle at Jerie Pinggoy ng Ateneo.

Makikita naman sa reserve team ng Team Borgie sina dating UAAP MVP RR Garcia at Semerad twins na sina Anthony at David ng San Beda.

Para sa mga tiket at bagong impormasyon sa Master Game Face Challenge, buksan ang Facebook Page na www.facebook.com/MasterPhilippines. Mabibili ang tiket sa lahat ng SM ticket outlet na ang pinakamababang halaga ay P100. Ibobrodkas ng live sa Studio 23 ang game sa Hunyo 8 mula alas-kuwatro ng hapon.

vuukle comment

ALJON MARIANO

ATENEO

JERON TENG

JUAMI TIONGSON

LA SALLE

MASTER GAME FACE CHALLENGE

SAN BEDA

TEAM

TEAM BORGIE

TEAM CHRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with