‘Christopher de Leon’ grand champion sa Kalookalike!; Andrew Wolff binanatan si P-Noy; Pelikula nina Marian at Richard wala nang urungan sa July 3
SEEN: Magkasama sina Sen. Bong Revilla, Jr. at House Representative Lani Mercado sa New York City. Special guest si Bong sa Philippine Independence Day Celebration sa New York ngayong June 2.
SCENE: Si Jonathan Garcia ang grand champion sa Kalokalike Contest ng It’s Showtime ng ABS-CBN.
Ang dramatic actor na si Christopher de Leon ang Kalokalike ni Jonathan.
SEEN: Bumalik na kahapon si Joey Marquez bilang co-host ng Showbiz Inside Report ng ABS-CBN. Pansamantalang nawala si Joey sa talk show dahil kumandidato siya pero minalas na natalo sa congressional race sa Parañaque City.
SCENE: Ang pangako ni Charice sa babalik na siya sa entertainment scene, matapos ang pag-amin tungkol sa kanyang tunay na sexual preference.
SEEN: Ang tweet ni Andrew Wolff para kay President Noynoy Aquino na agad na pinuntahan ang explosion sa Two Serendra noong Biyernes:
“PNOY, we don’t need you to come to Serendra, we need you in Sabah #useless.â€
SCENE: Sa July 3 na ang final playdate ng My Lady Boss, ang overdue romantic comedy movie nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.
SEEN: Walang relasyon na nagtatagal si MaÂxene Magalona dahil nauwi agad sa hiwalayan ang pakikipagrelasyon niya kina JC Tiuseco, Neil Arce, at Renz Fernandez.
SCENE: Magsisimula sa June 15 ang The Voice Philippines, ang talent search show ng ABS-CBN. Contestant sa blind auditions ng The Voice Philippines ang singer/actor na si Chris Cayzer.
- Latest