^

PSN Showbiz

James Yap nagbabalak nang pakasalan ang girlfriend na Fil-Italian na pagkaganda-ganda!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Reminder, huwag ninyong kalilimutan na pano­orin ngayong hapon ang Startalk dahil sa exclusive interview namin kay James Yap.

Sinagot ni James ang lahat ng mga question tungkol sa Temporary and Permanent Protection Order na ipinagkaloob ng korte kay Kris Aquino. Muk­hang okey naman kay James na huwag nang ma­kita o makalapit kay Kris, basta huwag lang ma­wala ang communication at visitation rights niya sa kanilang anak na si Bimby.

Fiesta sa bayan ni James noong Huwebes. Inim­bitahan niya ang Startalk staff na mamiyesta pero hindi puwede. Bumalik agad sa Maynila ang staff ng aming show para maihabol sa editing at maipalabas ngayong hapon sa TV ang exclusive interview kay James na may Filipina-Italian girlfriend na pagkaganda-ganda.

Ewan ko lang kung naitanong kay James ang tsis­mis na may balak na sila ng kanyang girlfriend na magpakasal.

Ricky Davao hindi naitago ang birthday

Hindi nailihim ni Ricky Davao ang 52nd birthday niya noong Huwebes dahil kinantahan siya ng “Happy Birthday” song sa presscon ng Mga Basang Sisiw, ang afternoon show ng GMA 7 na hahalili sa Unforgettable na nag-goodbye kahapon sa TV.
Si Ricky ang direktor ng Mga Basang Sisiw kaya wala siyang choice kundi ang umapir sa presscon ng teleserye na siguradong magpapaiyak sa televiewers ng Kapuso shows.

Masuwerte ang cast ng Mga Basang Sisiw dahil mabait na direktor si Ricky, hindi naninigaw, maagang dumating sa set at walang ere sa katawan, kahit artista rin siya.

Lani gaganap na mother hen

Gaya nang kuwento ko, hindi nakadalo si Lani Mercado sa presscon ng Mga Basang Sisiw dahil nagpunta sila sa Amerika ng kanyang pamilya.

Pero bago umalis si Lani, gumawa muna siya ng VTR message para sa entertainment press. Naglam­bing siya sa showbiz press na suportahan ang Mga Basang Sisiw. Nagpasalamat din siya sa walang sawa na suporta sa kanya at sa pamilya niya.

Maganda ang role ni Lani sa Mga Basang Sisiw. Siya ang mother hen na nag-disappearing act at nawalay sa kanyang mga anak dahil bumagsak ang eroplano na sinakyan nila.

Asawa ni Lani sa Mga Basang Sisiw si Raymond Bagatsing. Si Maxene Magalona naman ang kontrabida sa buhay nila at puno’t dulo ng pagkasira ng kanilang pamilya. 

Direk Eddie dadalhin sa libingan ng mga bayani

Nakiramay ako kahapon sa mga naulila ni Direk Eddie Romero na nakaburol sa Mount Carmel Church, Quezon City.

Bukas ang libing ng tatay ng direktor na si Joey Romero pero dadalhin muna ang kanyang labi sa Cultural Center of the Philippines para sa pagpupugay sa kanya bilang National Artist.

At dahil National Artist nga ang mahusay na direktor, ililibing siya sa Libingan ng Mga Bayani sa Fort Bonifacio.

Muli, ang aking pakikiramay sa mga naulila ni Direk Eddie na malaking kawalan sa Philippine movie industry.

Ryzza tuloy ang pag-aaral

Holiday pala ang birthday ni Ryzza Mae Dizon na 8-years old na sa June 12. Sobrang blessed ng ba­gets dahil one year pa lamang siya sa showbiz, nagkaroon agad ng pelikula at TV shows.

Ang maganda kay Ryzza, tuluy-tuloy ang pag-aaral niya sa school kahit araw-araw siya na napapanood sa The Ryzza Mae Show at Eat Bulaga. Malaking bagay rin na live na ang The Ryzza Mae Show dahil pagkatapos ng Eat Bulaga, nakakapagpahinga na siya. Talagang marunong mag-alaga ang TAPE Inc. sa kanilang mga talent.

DAHIL

DIREK EDDIE

EAT BULAGA

LANI

MGA BASANG SISIW

NATIONAL ARTIST

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with