Abogado ni James kinontra ng kampo ni Kris
Nasa Pampanga kahapon si Kris Aquino para sa backpack shoot para sa kanyang Kris TV nang lumabas sa ilang diyaryo na talo ang TV host-actress sa daÂting asawang si James Yap. Batay ito sa interview kay Atty. Lorna Kapunan, lawyer ni James batay naman sa desisyon ng Makati Regional Trial Court noong May 21 na pagde-deny kay Kris sa hininging permanent protection order o PPO para kay Bimby.
Pero sabi ng lawyer ni Kris na si Atty. Frank ChaÂvez, “The issue regarding whether or not he can visit his son is not yet resolved with finality.†Bakit ganun?
Dagdag pa ni Atty. Chavez, half-truth ang sinabi ng kampo ni James na pananalo nito at pagkatalo ni Kris dahil napagbigyan ang PPO na kahilingan ng TV host-actress sa parehong korte na pagbabawal sa kanyang malapitan ng dating asawa.
Kasama rin sa mga ipinagbabawal kay James ang magsalita laban kay Kris “or malign her for the rest of their lives.†Ayaw nang magsalita ng TV host-actress para matapos na ang lahat sa kanila ni James. Gusto na lang nitong ipagpatuloy ang buhay niya kasama ang mga anak ng tahimik at walang gulo.
This Friday, magsisimulang mag-empake si Kris para sa travel nilang mag-anak sa Singapore para sa stem cell therapy treatment ni Josh. Sa June 3, ang alis ng mag-ina.
Krystal kinabahan nang tanggalin sa afternoon show
Nagti-taping ng Bukod Kang Pinagpala nalaman ni Krystal Reyes na kasama siya sa cast ng Anna Karenina at isa pa sa mga bida. Ang sabi pa sa kanya, aalisin siya sa Afternoon Prime at hindi na aabot sa enÂding ang karakter niya, nagulat pa siya at nalungkot dahil wala na naman siyang show.
Kaya laking gulat nang sabihing kasama siya sa Anna Karenina at kailaÂngan na niyang mag-taping kaya aalisin na siya sa Bukod Kang Pinagpala. Balik-primetime at balik-bida si Krystal na unang nagbida sa Mga Mata ni Anghelita, kasama sa Bakekang, at Munting Heredera. Handa na ang dalagita pati ang pagkakaroon ng love team dahil 16 years old na siya at okay naman si Julian Trono.
“Ito na ang project na hinihintay ko. GaÂgawin ko talaga ang lahat para maging maaÂyos ang trabaho ko. Nakasama ko na sina Barbie (Forteza) at Joyce (Ching) sa Tween Hearts at si Direk Gina (Alajar) din ang direktor namin. Sabi ni Direk Gina, reunion namin ang Anna Karenina at very proud siya sa amin. Hindi na raw kami tweens at dapat seryosohin ang trabaho na gagawin namin,†sabi ni Krystal.
Si Krystal ang gaganap na Anna at kung susundin ang original Anna Karenina, siya ang pinakabida. Mauungusan pa niya si Barbie na gaganap na Karen at si Joyce bilang si Nina.
Mike Tan inayos ang problema sa boses at kilos
Seven months din palang walang regular show si Mike Tan dahil ang Faithfully noong 2012 pa ang last soap niya. Pero visiÂble pa rin namin ang aktor dahil giÂnawa ang Landas ng GMA News & Public Affairs at itinampok sa Alisto. Pero siyempre, iba pa rin ang regular show na three months siyang regular na napapanood.
Kampante naman si Mike na hindi siya pababayaan ng GMA Network, Inc. at GMA Artists Center. Dumating na ang right project sa Mga Basang Sisiw na isa na namang challenging role ang gagampanan ni Mike.
Dito masaya si Mike, sa diffeÂrent roles na ginaÂgampanan. HinÂdi lang siya mabait o kaya’y inaapi dahil madalas character role at bida-kontrabida ang natotoka sa kanya. Ang maipupuri kay Mike, ni-reinvent ang sarili at ginawan ng paraan ang problema niya sa boses at pati kilos ay binago.
Si Maxene Magalona uli ang kapareha ni Mike sa Mga Basang Sisiw at may mga nagbiro na dahil may chemistry sila. Bakit hindi na lang nila totohanan na maging sila? May problema lang dahil kung loveless si MaÂxene, si Mike ay matagal nang may karelasyon.
Dingdong babalikan ang mga Cebuanong preso
Late na umakyat si Direk Cesar Apolinario sa venue kung saan ginawa ang solo presscon ni Dingdong Dantes para sa Dance of the Steel Bars. Hindi tuloy nakausap ang director ng movie na pinakahuling graded A ng Cinema Evaluation Board.
Sa isang interview, nabanggit ni Direk Cesar na 2007 pa niya na-conceptualize ang story ng Dance of the Steel Bars at inspirasyon niya ang Cebu inmates. Ang Indak ng Rehas ang naisip niyang original title nito. Si Dingdong daw agad ang naisip niya sa role ni Mando dahil magaling itong aktor. Sila ni Marnie Manicad ang co-director ng pelikulang ipalalabas sa Guam, Hawaii, Los Angeles, Dubai, Qatar, Toronto, at Vancouver sa Canada at iba pa.
Showing sa June 12 ang Dance of the Steel Bars at sa June 7 ay pupunta si Dindong sa Cebu para ipapanood sa inmates sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center na nakasama nila sa movie ang pelikula.
Sa June 10, naman ang premiere night dito. Showing naman ito exclusively sa SM cinemas.
- Latest