^

PSN Showbiz

Matapos kontrahin ng korte ang petisyon ni Kris para sa anak: James agad-agad lumipad ng Maynila para makita si Bimby

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi tinitigilan si Dingdong Dantes ng tanong tungkol sa isyung paglipat ng TV network nang humarap ito sa presscon ng indie film niyang Dance of the Steel Bars na magsyu-showing na sa June 12.

Si German “Kuya Germs” Moreno ang unang nagtanong sa kanya pero safe ang sagot ng aktor na sa ngayon ay nasa GMA 7 siya at meron pa raw itong gagawing mala-king project na pinaghahandaan na niya.

Wala siya sa lugar na sagutin ang isyung paglipat dahil ang business manager niyang si Perry Lansigan ang mas nakakaalam sa takbo ng kanyang career.

Sabi pa ni Dingdong, “Sa ngayon talaga I’m concentrated promoting this film, and sisimulan ko po ang show ko sa GMA. Medyo malaking konsepto kaya hindi masimulang agad. Ako, all efforts ako na masimulan ang TV show na ito.”

Kung anuman ang commitment niya sa GMA 7 ay doon muna siya naka-concentrate at pagdating sa offers ng iba, ang manager niya ang humaharap doon.

PAK: Tinitiyak ni Sandy Andolong na hindi na papasukin uli ni Christopher de Leon ang pulitika.

Pagkatapos matalo ni Boyet sa nakaraang eleksiyon, napagtanto nilang mag-asawa na hindi talaga nararapat si Boyet sa pulitika dahil hindi siya ang tipong nakikipaglaro sa nakagawian  ng mga pulitiko.

Mas mabuting mag-concentrate na lang ngayon si Boyet sa trabaho dahil meron na itong sisimulang teleserye sa ABS-CBN at si Sandy naman ay kasali sa Anna Karenina na magsisimula na sa June 3.

BOOM: Nasa Escalante, Negros Occidental pa si James Yap nang ibinalita sa kanya ni Atty. Lorna Kapunan na na-deny ng korte ang hiningi ni Kris Aquino na Permanent Protection Order laban kay Baby James.

Kaya kaagad nag-post si James sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Bimby na mensaheng “Thank You Lord.”

Masaya ito sa ibinabang desisyon ng korte kaya nagpa-rebook ito ng ticket pabalik ng Maynila para makasama na niya ang kanyang anak bukas.

Hindi pa niya masasabi kung maging okay sila ni Kris pero ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang anak na makakasama na niya ito.

“Ang gusto ko lang naman na nandiyan ako, na kasama ako sa pagpapalaki sa anak ko,” masayang pahayag ng kilalang basketbolista.

ANNA KARENINA

BABY JAMES

BOYET

DANCE OF THE STEEL BARS

DINGDONG DANTES

JAMES YAP

KRIS AQUINO

KUYA GERMS

LORNA KAPUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with