^

PSN Showbiz

Kathryn pinag-aral mag-painting

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay nag-aral si Kathryn Bernardo ng pagpipinta bilang paghahanda sa kanyang role sa teleseryeng Got to Believe. Mas mature na ang role nila ni Daniel Padilla sa bagong proyektong ito.

“Pinag-painting workshop nila ako kasi artist ’yung role ko. So, nag-paint ako ’tapos magba-bonding workshop pa yata kami,” bungad ni Kathryn.

Masayang-masaya ang dalaga dahil nadiskubre niyang may kakayahan din siya sa paggawa ng ibang bagay.

“Actually, hindi ako artistic talaga pero dahil nga sa soap parang nae-enjoy ko ’yung painting. Akala ko before wala akong artistic side pero ngayon masaya pala siya. ’Tapos parang nakaaalis siya ng stress for me kapag nagpe-paint ako, masaya lang. We paint different subjects everyday. For example, ngayon magpe-paint kami ng mga tao ’tapos tomorrow sunrise naman, iba-iba,” kuwento ni Kathryn.

Samantala, hindi maipagkakailang ang tambalan nila ni Daniel ang pinakasikat sa mga kabataan ngayon. Paano nga ba nila napapanatili na magkaroon ng kilig ang bawat eksena na kanilang ginagawa?

“Kasi kami naman, hindi naman kami ’yung ine-effort-an na ’yung bawat galaw kailangan kilig talaga. Basta kami the more natural the better, na mas gugustuhin ’yun ng tao ’yung natural. Hindi scripted masyado at ’yung tama lang,” sagot ng dalaga.

Juday oa ang pakiramdam ’pag tinatawag na teleserye queen

Malapit nang muling mapanood si Judy Ann Santos sa isang teleserye. Makakasama ng Teleserye Queen sa Huwag Ka Lang Mawawala sina KC Concepcion at Sam Milby. Aminado si Judy Ann na masarap sa kanyang pakiramdam ang mabansagang Teleserye Queen.

“Hindi ko tatanggalin ’yung pakiramdam na napa-flatter ako pero paminsan-minsan iisipin mo, ‘Deserve ko ba talaga ito? Hindi ba parang OA na ito?’ Hindi mo maiwasan makapag-isip ng gano’n kasi may mga taong magbibigay ng negative na comment tungkol sa pagiging Teleserye Queen mo. Hindi naman ako ang nagbigay nito sa sarili ko pero I’m flattered. Thankful ako na for the longest time, nandiyan pa rin ang ABS-CBN to protect me and give me very good projects. Ang magiging balik ko talaga ay mabigyan sila ng magandang trabaho,” pahayag ni Judy Ann.

Ilang dekada na rin sa industriya ang aktres pero may mga pagkakataon nakapagtataray si Juday habang nasa trabaho.

“May mga moment na nakakapagtaray ako minsan sa set pero that’s out of pagod, out of frustration, at saka kapag punung-puno na ako dahil paulit-ulit ’yung nangyayari. Pero kung patience ang pag-uusapan, ang patience ko puwede mong papuntahin hanggang Amerika pabalik. Gano’n kahaba ang pasensiya ko,” natatawang kuwento ng Teleserye Queen. Reports from JAMES C. CANTOS 
                                                                                                  

AKO

DANIEL PADILLA

HUWAG KA LANG MAWAWALA

JUDAY

JUDY ANN

TELESERYE QUEEN

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with