Indio hindi pa sigurado sa MMFF
PIK: Proud si Cong. Lani Mercado na ipinost ang litrato ng flowers at card na iniregalo sa kanya ni Sen. Bong Revilla nang sinilebrayt nila ang kanilang 27th wedding anniversary kamakalawa lang.
Iyun din ang araw nang pag-alis nila pa-Amerika para magbakasyon. Pero bahagi si Sen. Bong sa GMA Pinoy event sa New York, kaya aalalay lang daw muna dun si Lani.
Pagkatapos ng commitment ni Sen. Bong sa GMA Pinoy TV, magbabakasyon daw muna sila ni Lani kasama ang mga anak nila at ang apo nilang si Gab.
Ayaw pa muna ni Sen. Bong na pag-usapan kung totoong ang Indio ang isasali niya sa Metro Manila Film Festival. Basta proud na proud daw siya sa ginawa niyang epic serye dahil maganda ang production at nagagamit pa ito ng mga mag-aaral.
PAK: Ayaw pa ring sabihin ni Yasmien Kurdi kung alam na ba ng mommy niya ang pagpapabinyag ng anak niya sa Catholic church.
Basta okay daw sila ng mommy niya at tanggap na tanggap naman daw nito ang asawa niya kahit hindi nila kapatid sa Iglesia ni Kristo.
Sabi ni Yasmien, once a week daw ay dinadalaw nila ang mommy niya at tuwang-tuwa raw ito sa apo niya.
“Basta okay na kami ng mommy ko. Pagdating sa religion, hindi naman isyu sa amin ‘yun. Basta okay kami, mabait naman ang mommy ko eh,†sagot ni Yasmien na halatang iniiwasan na ang intriga sa kanila ng kanyang ina.
Ang isa pa raw sa nagpapasaya sa kanya ay ang pagbabalik niya sa trabaho, dahil may mahalagang role siyang ginagampanan sa bagong pang-GMA Telebabad na Anna Karenina na magsisimula na sa June 3.
BOOM: itinatanggi ng kampo ni Chin Chin Gutierrez ang kumalat na balitang isa na itong madre.
Ayon sa manager ni Chin Chin na si Angie Ureta, naging active lang daw ngayon ang aktres sa environmental advocacy niya. Meron daw siyang mga projects sa eco-waste coalition na kung saan nagtatrabaho siya sa ilang farm kasama ang mga Carmelite sisters.
Tumatanggi raw si Chin Chin na magpa-interview dahil mas gusto raw nitong manatiling private ang trabaho niya sa kanyang advocacy.
Hindi pa raw nila masasabi kung babalik ba sa showbiz si Chin Chin.
- Latest