Jessica nagpakatotoo kay Vice Ganda!
Maluwag sa dibdib na tinanggap ni Vice Ganda ang hindi pakikipag-usap sa kanya ni Jessica Soho na dapat lang dahil hurting ang ating favorite broadcast journalist na hindi matatawaran ang kredibilidad.
Nakaka-offend naman talaga ang ginawa ni Vice Ganda sa pagkatao ni Mama Jessica. Kahit biro, hindi magandang biro ang ginawa niya kay Mama Jessica dahil hindi naman sila magkakilala nang personal at lalong hindi sila friends.
At least, may importanteng aral na natutunan si Vice Ganda mula kay Mama Jessica na nananahimik pero nagawa pa niya na paglaruan.
Nagpakatotoo lang si Mama Jessica nang hindi siya makipag-usap sa telepono nang tawagan siya ni Vice. In fairness kay Mama Jessica, siya pa ang humingi ng paumanhin nang sabihin niya kay Vice Ganda na hindi maganda ang kanyang timpla nang araw na matanggap niya ang phone call ng komedyante.
Nag-apologize na si Vice kay Mama Jessica. Kay Senator-elect Nancy Binay, may balak din kaya si Vice na mag-sorry?
Nabalitaan ko na pinaglaruan din ni Vice si Mama Nancy sa kanyang concert. Actually, pinaglalaruan na niya si Mama Nancy bago pa siya nagkaroon ng concert.
Below the belt din ang mga joke at personal ang mga banat ni Vice sa very harmless na anak ni Vice-President Jojo Binay na walang kasalanan sa kanya at nagkataon lang na kumandidatong senador at nanalo.
Biglang pagpayat ni Yasmien maraming nagulat
Malaki na ang ipinayat ni Yasmien Kurdi mula nang magsilang siya ng baby girl, six months ago.
Marami ang nagulat nang umapir si Yasmien sa presscon ng Anna Karenina noong Martes dahil malaki nga ang nabawas sa timbang niya.
Lumiit din ang kanyang mga braso dahil sa madalas na pagbisita niya sa Flawless. Ang radio frequency o RF ang sikreto ng mabilis na pagliit ng mukha at braso ni Yasmien. Very safe ang procedure para sa mga katulad niya na wala pang isang taon na nanganganak.
Maganda ang role ni Yasmien sa Anna Karenina. Importante ang papel na ginagampanan niya dahil siya ang madir ng bata na hinahanap ng kanyang adoptive parents na bibigyang buhay nina Sandy Andolong at Juan Rodrigo. Natatanging pagganap ang billing ng pangalan ni Yasmien dahil sandali lamang ang participation niya sa bagong primetime show ng GMA 7 na magsisimula sa June 3.
Maraming artista ang kasali sa Anna Karenina, sina Krystal Reyes, Barbie Forteza, Joyce Ching, Derrick Monasterio, Julian Trono, Allan Paule, Valerie Concepcion, Kathleen Hermosa, Yul Suervo, Maureen Larrazabal, at marami pang iba.
Sa rami ng mga artista, hindi ko alam kung paano sila bibigyan ng mga highlight ng scriptwriter ng Anna Karenina.
Direk Eddie Romero maraming naiwang klasikong pelikula
Nakikiramay ako sa direktor na si Joey Romero at sa pamilya niya na naulila ng kanyang ama na si Eddie Romero.
Namatay ang mahusay na direktor noong Martes at ipinagluksa ng movie industry ang pagpanaw niya.
Magaganda ang mga pelikula na ginawa noon ni Direk Eddie kaya nararapat lang ang paggawad sa kanya ng National Artist Award.
Si Direk Eddie ang may likha ng mga classic movie na Agila at Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon.
Isa si Christopher de Leon sa mga siguradong nalungkot sa pagkawala ng mahusay na direktor. Ang 2006 movie na Faces of Love ang huling movie project nina Boyet at Direk Eddie.
- Latest