^

PSN Showbiz

Kapuso actors, nagtatabaan!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

‘Di ko alam kung paano sagutin ng kasamahan ko rito sa PSN at kaibigan na si Vero Samio nang tanungin niya ako kung bakit ba nagtatabaan ang mga Kapuso stars. Kuntento?! Ang kaagad naisip ko until ma-realize ko na hindi na nga nakakabuti sa maraming artista namin na parang hindi na conscious sa kanilang appearance.

Tulad ni Sid Lucero na hindi na raw kapani-paniwala na maagaw si Michelle Madrigal kay Richard Gu­tierrez na hindi lang guwapo at fit kundi wala ring deprensiya kumpara sa pagiging pilantod ng cha­racter ni Sid at pagkataba-taba pa. Saan mang anggulo tingnan, dehado ito sa character ni Richard  na nakababawas ng malaki  para maging kapani-paniwala sila sa mga roles na ginagampanan nila.

Isa pa ring mataba na kailangan nang magdyeta kung hindi ay baka maging komedyante na lang siya kundi man tatay at kapatid na lang ng bida ay si Geoff Eigenmann.  Worst, baka maging anak na lang niya si Carla Abellana na girlfriend niya.

Sabi rin ni Vero, sayang ang kagwapuhan ni Jeric Gonzales kung hindi mapipigil ang paglaki  ng katawan nito. She saw him sa isang presscon at nakita niyang guwapung-guwapo ito, pero mataba.

Sayang ang magkapatid na Eigenmann, Sid and Geoff, kung patuloy silang lumobo. Ang daming nag-aabang na makuha ang mga roles na naibibigay sa kanila at mawawala dahil lang hindi na sila leading  man material.

Mga naninira kay Maja, tukuy-tukoy na!

Hindi mo man sila ma-pinpoint alam na alam mo naman kung sino ang tao sa likod ng mga hate moves laban kay Maja Salvador. ‘Yun kasing istilo ng pagpapasama nila sa bagong love ni Gerald Anderson ay give away na. Kahit mahina-hina kang imbestigador, mahuhuli mo na agad ang nagpapasimuno nito.

Hayyyy, mga ineng stop na kayo and learn to move on. Matagal na kayong ampalaya, hindi pa ba kayo nagsasawa? Kawawa naman si Maja. Kasalanan ba niyang mahalin ni Gerald?

vuukle comment

CARLA ABELLANA

GEOFF EIGENMANN

GERALD ANDERSON

JERIC GONZALES

MAJA

MAJA SALVADOR

MICHELLE MADRIGAL

RICHARD GU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with