^

PSN Showbiz

Ayaw lang mag-ingay: AiAi kinasuhan na si Jed!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Natuloy din ang pag-aapir ni Jolo Revilla sa Indio bago ito matapos.

Dapat siya ang gaganap na si Antonio na anak ni Indio paglaki, pero mas type niya ang role na Andres Bonifacio na siya pala ang magtatapos ng natu­rang epic serye dahil siya ang nagpatuloy nang pakikipaglaban sa mga Kastila.           

Proud si Sen. Bong Revilla kay Jolo dahil nagampanan nito nang ma­ayos at bumagay daw kay Jolo ang role.

Si Rafael Rosel na ang gumanap na malaking si Antonio na anak ni Indio.

Pero mas maaksiyon at maraming nakakabagbag na tagpo sa pagtatapos ng kauna-unahang epic serye ni Sen. Bong.

PAK: Pati si Luis Manzano ay proud sa kaseksihan ni Jennylyn Mercado na rumampa sa Bench Body Fashion Show kamakalawa ng gabi, bilang bahagi sa nakaraang Philippine Fashion Week sa SMX.

Naka-one piece si Jennylyn na rumampa kasama sina Borgy Manotoc at ang bagong image model nitong si Paolo Roldan.

Wala si Luis sa venue, pero nagri-react ito nang nakita niya sa mga ipinu-post sa Instagram at proud na proud daw siya sa kanyang ‘mats mats’ (tawagan nila ni Jennylyn).

Todo ang pagpapayat ni Jennylyn para hindi naman siya kahiya-hiya sa pagrampa niya, at na-achieve naman niya ito.

Kaya siya na nga raw talaga ang pinaka-hot momma sa ngayon.

Isang bagong talent-reality show ang ihu-host ni Jennylyn sa GMA 7, ang Anak Ko ‘Yan na ang dinig namin mapapanood ito tuwing umaga na maaring makakatapat ang Minute to Win It ni Luis.

BOOM: Totoo kayang nakapag-file na si AiAi delas Alas ng demanda laban sa dating karelasyong si Jed Salang?

Nung nakausap si AiAi nina Lolit Solis at Joey de Leon sa Startalk nung nakaraang Sabado, sinabi lang niya na hihintayin pa raw niya ang pagdating ng abogado niya para mapag-usapan nila kung kakasuhan o hindi.

Pero may mga nagkuwentong nag-file na raw ito ng kasong Violation of Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children.

Mas gusto na lang daw nila nang tahimik na lang para hindi na pag-usapan pa sa publiko.

Ang latest pang narinig namin, nagpapatulong daw si Jed kay Kuya Boy Abunda na magkausap sila nang maayos pati si AiAi dahil ang mga magulang daw niya ang mas nahihirapan sa gulong ito.

Pati raw kasi mga magulang niya ay nadadamay sa galit ng mga tao kay Jed.

ANAK KO

ANDRES BONIFACIO

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN

BENCH BODY FASHION SHOW

BONG REVILLA

INDIO

JENNYLYN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with