^

PSN Showbiz

Mahihirapang i-defend ang sarili: Jed Salang biglang naduwag magsalita!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi natuloy ang video interview ng The Buzz kay Jed Salang noong Linggo dahil nagbago ang isip niya.

I’m sure nag-worry si Jed na baka lalong maging nega ang kanyang image kapag nagsalita pa siya.

Mahihirapan siya na i-defend ang sarili sa isyu ng pananakit niya kay AiAi delas Alas.

Kahit ano pa ang sabihin ni Jed na-judge na ng mga tao na siya ang kontrabida sa relasyon nila ni AiAi.

Mukhang hindi pa mangyayari ang katahimikan na minimithi ni Jed dahil maraming isyu pa ang lumalabas tungkol sa sandaling pagsasama nila ng comedienne.

Huwag tayong magulat kung sakaling humantong sa korte ang kanilang problema dahil ‘yon ang proper venue para malutas ang away nila.

Joko balik-teleserye agad nang matalo sa pagka-bokal

Hindi sinuwerte si Joko Diaz noong nakaraang eleksiyon dahil natalo siya sa kanyang kandidatura bilang bokal ng 2nd District ng Batangas province.

Nakausap ko ang isang bayaw ni Joko at siya ang nagkuwento sa akin na okay naman ang aktor.

Nakabalik daw agad sa showbiz si Joko dahil nag-taping na siya sa isang teleserye, pagkatapos ng eleksiyon.

Flight attendant pala ang asawa ni Joko na tubong Batangas at dalawa ang kanilang anak.

Batangas resthouse ni Amy parang hotel

Naloka ako nang makita ko ang resthouse na ipinapatayo sa Lobo, Batangas ng mag-asawang Duke Ventura at Amy Austria.

Malaki ang resthouse na may sariling swimming pool.

Under construction pa ang sosyal at bonggang resthouse na katabing-katabi ng beach house ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Ang sabi ng mga residente ng Lobo, parang hotel ang resthouse nina Amy at Duke.

Rhian mukhang true love ang naramdaman kay KC

Kumbinsido ako na in love si Rhian Ramos kay KC Montero.

Sa mga naging dyowa ni Rhian, si KC lang ang inaamin niya at talagang nangingislap ang kanyang mga mata kapag ang disc jockey ang topic.

Hindi ganyan ang reaksiyon ni Rhian nang maging boyfriend niya noon sina Mark Herras at JC de Vera. Kahit noong may relasyon sila ni Mo Twister, never na umamin si Rhian. Nagsalita lang siya noong nag-iingay na si Mo.

Puwedeng si KC na ang true love ni Rhian. Malay natin, baka humantong sa altar ang kanilang relasyon dahil family man si KC. Kita n’yo naman, pinakasalan niya noon si Geneva Cruz.

vuukle comment

AMY AUSTRIA

BATANGAS

DUKE VENTURA

GENEVA CRUZ

JED SALANG

JOKO

JOKO DIAZ

KAHIT

MARK HERRAS

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with