Nagka-problema sa production, nagmamatigas na siya ang masusunod: Amalia Fuentes nag-resign sa ginagawa nilang serye ni Susan Roces
MANILA, Philippines - Nag-resign kahapon si Amalia Fuentes sa Muling Buksan ang Puso ng ABS-CBN, ang pagsasamahan sana nilang serye ni Ms. Susan Roces. Kinumpirma ito ng Kapamilya Network kahapon.
“Ms. Amalia Fuentes has resigned as actress for the upcoming teleserye, Muling Buksan ang Puso, due to creative differences with the production team and the challenges and demands of regular taping schedules,†sabi ni Mr. Bong Osorio sa kanilang statement.
Pero ang sabi ng isang source, sa umpisa pa lang ay may problema na sa production si Ms. Amalia. Inaasa raw diumano nito ang kanyang mga gagamitin sa production pati ang mga susuutin niyang damit. Samantalang si Ms. Susan daw ay handang-handa na pagdating sa taping. So nalolokah daw ang nasa production.
Parang nahihirapan yata silang buksan ang puso lalo na nga’t inulit lang? Maalalang tinanggihan din ito ni Cesar Montano.
Kasama sa serye sina Julia Montes, Enrique Gil, Dante Rivero, Dominic Ochoa, Daniel Fernando, Malou Crisologo, and Pooh.
Pagyanig sa tv industry malapit na! – Direk Mac
Nagsalita si Direk Mac Alejandre, isa sa mga creative head ng TV5, na may malaking pagyanig na mangyayari sa TV industry sa mga susunod na buwan nang makatsika namin siya sa Misibis Bay, Cagraray Island, Bacacay, Albay last weekend.
Ito kaya ay dahil papasok na sa Hunyo ang bagong presidente ng TV5 na si Mr. Noel C. Lorenzana? Ayaw pang idetalye ni Direk pero pinapangako niya na magkakaroon ng pagyanig.
At kasama na ang magsisimula sa sinasabing pagyanig ni Direk Mac ang sexy-serye na Misibis Bay na pinagbibidahan nina Christopher de Leon, Boots Anson Roa, Ritz Azul, Vin Abrenica, Victor Silayan, Megan Young, Vivian Velez, Daniel Natsunaga, Luke Jickain, at Malak So Shdifat.
Pinagplanuhan daw maigi ang programang ito. “Even before Never Say Goodbye, nag-iisip na kami ng sexy serye na fast-paced.â€
Kinonsider nila pang mag-shooting sa Thailand pero mas naging mabilis ang pakikipag-negotiate nila sa Misibis Bay. “We’re glad Ian Varona (general manager of Misibis Bay), and marketing supervisor Paul Garcia agreed to partner with us to do Misibis Bay,†sabi ni Direk.
“Viewers will not know what hit them sa bilis ng mga nangyayari. Just like what we did in Boracay Bodies,†dagdag ni Direk Mac sa press launching ng programa na ginanap doon mismo sa napakagandang resort sa Bicol.
Bukod siyempre ito sa kagustuhan nilang makatulong sa tourism industry ng Bicol na napaganda nang husto ni Gov. Joey Salceda.
Eh bakit si Ritz ang naisip nilang gawing bida? Nag-audition ba siya for the role? “Unanimous decision. Siya ang bagay at siya ang pinu-push ng TV5. At sa genre na ito, siya ang bagay,†dagdag ni Direk na aminadong mas maraming naintindihan nang maging creative head ng Kapatid Network.
Bukod sa Misibis Bay, kasama sa mga bagong show na dini-develop ng unit na pinamamahalaan ni Direk Mac ang isang sitcom and an epic soap. Bukod pa ito sa movie for TV na gagawin nina superstar Nora Aunor and Tirso Cruz III. Meron din silang kino-konseptong reality show.
So ang sitcom ba na ito ay ang para kay Ogie Alcasid na?
“Hindi ko alam, wala akong alam,†safe na answer ni Direk Mac. Sinasabi kasing done deal na ang paglipat ni Ogie sa TV5.
May chance rin na magkasama sa pelikula sina Superstar Nora Aunor and Megastar Sharon Cuneta na ngayon ay parehong exclusive ang kontrata sa kanilang network.
At meron na rin silang bagong project for Sharon na wala pang details na maibigay si Direk.
Daniel tinatawanan na lang ang pilit na pilit na isyu sa kanila ni Kris
Natatawa na lang si Daniel Matsunaga sa pilit na pilit na isyu tungkol sa kanila ni Kris Aquino. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga nasabing kuwento. “Hindi ko talaga alam,†sabi niya in Tagalog nang makausap namin.
Isa siya sa mga anak ni Christopher de Leon sa isla-serye na Misibis Bay.
Bukod sa kareran ang ginagawa niyang pag-aaral ng Tagalog, naka-concentrate din siya sa football bilang miyembro ng Stallion Sta Lucia FC na member ng United Football League.
Eldest son siya ni Christopher, Anthony, sa isla serye na ito. Engaged to be married siya sa socialite na si Lara Borromeo (Megan Young). Pero nang malaman niyang pakakasal ang kanyang ama sa batang-batang si Maita (Ritz Azul) nag-iba ang plano niya.
Ayon naman sa mga kasama niya sa serye, hindi naman sila nahirapang makipagtrabaho kay Daniel dahil nag-effort talaga itong mag-Tagalog.
Pero in fairness, siya lang ang pinayagang magdala ng assistant sa taping nila sa Bicol. Lahat ng artistang nagpunta doon walang alalay na kasama.
- Latest