^

PSN Showbiz

Jake Vargas walang ‘ipinakita’ sa video scandal

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakita namin sa dalawang blogs ang si­na­sabing scandal ni Jake Vargas. Sa u­nang blog, blurred ang kuha nina Jake at nonshowbiz girl at sa isa pang blog ay malinaw ang mukha ng aktor pero ’yung girl ay hindi.

Nasa kama sina Jake at ang girl, shirtless ang binata, pero walang ginagawang masasabing iskandalo. Unan ang kayakap ni Jake at hindi ang babaeng kasama sa bed. ’Yung isang picture ay hinahalikan ng girl ang kamay ng aktor. Again, wala kaming makitang nakaka-iskandalo sa ginawa nila.

Curious kami kung sino ang kumuha at nag-upload ng litrato at kung ano ang motibo. Gusto bang sirain ng taong nasa likod nang pagkalat ng video si Jake at ang love team nito at ni Bea Binene na napapanood sa Home Sweet Home at Pepito Manaloto? O may iba siyang rason?

Walang dapat ikabahala si German Mo­reno, manager ni Jake, sa pagkalat ng video dahil walang nakakaiskandalo sa ginawa ng kanyang alaga. Likod lang nito ang makikita.

Ryza nagtatampo, forever na lang guest

Kasabay nang pagpayag ni Ryza Cenon na mag-cover sa May issue ng FHM magazine ang pagsasabi ng tunay niyang nararamdaman. Dati, pa-cute pa ang sagot nito na okay lang sa kanya na madalas na supporting siya at kontrabida sa mga role na ibi­nibigay ng GMA Network.

Pati ang paggi-guest sa kanya sa mga tumatakbo ng soap, okay pa rin sa kanya at ang importante sa kanya ay may trabaho. Nag-iipon kasi si Ryza para sa dream house at bagong ipon na naman ang gagawin dahil nabulilyaso ang unang pagpapatayo ng bahay.

Anyway, inamin na rin ni Ryza na medyo nagtatampo siya dahil nine years na siya sa GMA Network pero hindi pa nabibigyan ng break. Pambansang Guest Star ang tawag sa kanya ng press dahil lahat yata ng soap ay igini-guest siya. Pagkatapos niyang mag-guest sa Indio, hindi pa niya alam kung saan siya magi-guest sa susunod.

“Ipinagdarasal ko na dumating ang big break at big launching sa akin. Gusto kong mag-drama. Nami-miss ko ang mag-drama. Twenty five years old na ako,” wika ni Ryza.

Umaasa ang Kapuso actress na makakatulong na mabigyan ng push ang career niya sa pagko-cover niya sa FHM. Seven years siyang niligawan ng men’s magazine bago mapapayag mag-cover.

May crush na baguhan kay Richard natameme

Nag-last taping day na ang Love & Lies pero hindi nasabi ni Thea Tolentino kay Richard Gutierrez na fan siya ng aktor mula pa ng Mulawin days. Nahihiya at starstruck pa siya sa aktor at hindi makapaniwalang makakatrabaho si Richard.

Sa first scene nilang magkasama, muntik siyang mabulol sa pagdi-deliver ng kanyang dialogue dahil nakatingin kay Richard. Mabuti na lang daw at hindi siya napahiya.

Naunang nag-last taping day si Thea sa ka-love team nitong si Jeric Gonzales.

Georgina panay ang sorry kay Erap

Ano ba ’yan, wala nang ginawa si Georgina Wilson sa Twitter kundi magpaliwanag at mag-sorry? Kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada siya huling nag-sorry dahil sa tweet niya four days ago.

Naiintriga uli si Georgina dahil may sinabi raw na masama laban kay Ryzza Mae Dizon pero ang maganda, bago pa lumaki ang isyu, nilinaw na ng modelong wala siyang sinabing masama laban kay Aling Maliit.

Tweets ni Georgina: “Just to be clear I have ne­ver said anything about @iRyzzaMaeDizon. Tabloids should check their facts before they irresponsibly write articles” at “I have never said anything about@iRyzzaMaeDizon and I would never. She’s so cute! @isabelledaza shows me all her videos.”

 

ALING MALIIT

BEA BINENE

DAHIL

ERAP

GEORGINA

GEORGINA WILSON

GERMAN MO

RYZA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with