Baka raw hindi na siya magising, TV host laging takot ’pag natutulog
Hanggang ngayon daw ay takot matulog na mag-isa ang sikat na TV host. Matagal na raw ganito ang kanyang kondisyon. At ikinukuwento niya raw ito sa kanyang mga kaibigan. Diumano, ang laging inaalala ng TV host ay baka hindi na siya magising.
Sa kasalukuyan ay meron naman itong girlfriend kaya may nakakasama ’pag nakakaramdam ng takot sa katawan.
Meron daw kasing heart condition ang TV host kaya ganun na lang ang takot niya sa tuwing matutulog.
Meaning, wala siyang peace of mind. Eh kung itodo kaya niya ang pagdarasal para naman mawala lahat nang takot niya sa dibdib tuwing ipipikit ang mata?
Ritz Azul napi-pressure sa Misibis Bay
Tuluy-tuloy ang taping ng kauna-unahang isla-serye ng TV5 na Misibis Bay. Dinayo talaga ng TV5 ang luxury resort sa Cagraray Island, Albay para kunan ang mahahalagang eksena ng isla-serye na pinagbibidahan nina Vin Abrenica, Ritz Azul, Meagan Young, at marami pang iba.
Bibigay na si Ritz dito at handang-handa na siya.
“Bawal daw ang one-piece lang. Kailangan at required na two-piece kaya nakaka-pressure! But I will be confident enough to show them what I have. If I was able to do that for FHM I will be able to do that again in Misibis Bay,†sabi ng drama princess ng Kapatid Network.
Bossing ng TV5 na si Mr. Ray Espinosa ‘umamin’ tungkol sa kanila ni Alice Dixson
Crush lang daw ng outgoing TV5 president na si Atty. Ray Espinosa si Alice Dixson at wala pa namang relasyon ang dalawa.
Ito ay matapos lumabas ang blind item na may relasyon ang dalawa kaya feeling ‘first lady’ ang actress sa taping ng kanyang mga programa sa TV5.
Ang sabi nang kausap ko, wala pa naman.
Pero iba naman ang sinabi nang isang source na diumano ay si Mr. Espinosa ang boyfriend ni Alice na diborsiyada na kaya feeling reyna ito sa mga taping.
Julia Barretto, magbibida na sa Cofradia
Sasabak na ang rising Kapamilya teen star na si Julia Barretto para sa kanyang kauna-unahang pagbibidahang teleserye ngayong opisyal nang inihayag ng ABS-CBN na siya ang magiging lead star ng TV remake ng nobela ni Dominador Ad Castillo na Cofradia.
Bago pa man siya maÂging parte ng Star Magic Circle 2013, unang napansin ng TV viewers si Julia hindi lang dahil gaÂling siya sa isang showbiz family kundi dahil na rin sa ipinamalas niyang talento sa pag-arte sa mga teleseryeng tulad ng Kokey, Palos, at Walang Kapalit.
Para sa kanyang biggest break, bibigyang buhay ni Julia sa kanyang first teleserye ang papel ni Cofradia na ginampanan ng beteranang aktres na si Gloria Romero noong 1953 at ni Gina Alajar noong 1973.
Ang Cofradia ay umiikot sa kuwento ng isang babaeng natatakot umibig dahil sa kulay ng kanyang balat na magkakaroon ng kakayahan na magpalit ng anyo dahil sa mahiwagang kandila.
Abangan ang kauna-unahang teleserye ni Julia na Cofradia ngayong 2013 sa ABS-CBN.
- Latest