Epekto ng mga pangakong napapako, ibabahagi
MANILA, Philippines - Pagsunod sa kasunduan at pagtupad ng mga pangako ang espesyal na alay ng award-winning fantasy-drama anthology na Wansapanataym ngayong Sabado (Mayo 25) sa episode na pinamagatang Flores de Yayo.
Bibigyang-buhay ng Kapamilya child star na si Larah Claire Sabroso ngayong Sabado ang papel ni Yayo, isang batang hikain na kinailangang umuwi ng probinsya para magpagaling.
Nang matuklasan niya ang sikreto ng babaeng isinumpa na maging isang bulaklak na si Dahlia (Liza Soberano), ipinangako ni Yayo na hindi niya ito ipagsasabi kapalit ng pagkawala ng kanyang sakit.
Ngunit dahil sa kanyang pagkamangha, hindi napigilan ni Yayo ang kanyang sarili at kanya itong ibinahagi sa isang matanda na tulad niyang hikain. Mapagtanto kaya ni Yayo na dapat niyang pahalagahan ang pagtitiwala na ibinibigay sa kanya ng isang tao kapag may masamang loob na magnanakaw kay Dahlia?
Huwag palampasin ang storybook ng batang Pinoy, Wansapanataym tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Kapamilya: Deal or No Deal sa ABS-CBN.
- Latest