^

PSN Showbiz

Aktres scripted ang sagot sa love life, career kuno ang inuuna pero may itinatago palang karelasyon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pa-cute ang aktres na ito ’pag tinatanong kung may boyfriend na dahil ang laging sagot ay wala pa at inuuna pa raw niya ang kanyang career. Deretso ka pang titingnan nito sa mga mata para sabihing ang trabaho ang priority niya at saka na ang love life.

Dadagdagan pa ng aktres na ito ang pagpapa-cute at sasabihing hanggang crush na muna siya at ba­banggitin ang crushes niya na mostly kapareha niya sa mga show. Obvious na part ng publicity ang mga sagot ng aktres pero in fairness to her ay pina­ni­walaan siya dahil walang nakikitang kasama.

Pero ang totoo pala ay may itinatagong boyfriend ang aktres. Nag-aartista rin at kasama niya sa network. Kasabay niya sa sinalihang reality show ang BF at magti-three years na ang kanilang relasyon.

Mabait ang lalaki dahil pumapayag na itago siya ng aktres at sa mga close friends lang nila sila bu­king at para mas mailihim pa ang relasyon sa party ng common friends lang nila sila dumadalo.

Hintayin natin kung hanggang kailan maililihim ng aktres na may maamong mukha ang kanyang boyfriend.

Kahit todo-deny sa kanilang relasyon

Kris three days nasolo ni Carl sa Singapore

Plus pogi points kay Kris Bernal ang birthday treat sa kanya ni Carl Guevarra na three days sa Singapore. Nagulat siya nang sabihin ng aktor na dadalhin siya nito sa Singapore at lalo siyang bumilib dito dahil hindi siya pinayagang maglabas ng sentimo, lahat ay gastos ng binata.

Inilibot siya ni Carl sa Universal Studios, Marina Bay Sands, Clark Quay, China Town, Singapore Flyer, at iba pang tourist spots doon. Sa Singapore Flyer nga raw nila sinalubong ang kanyang birthday noong May 17 at nag-24 years old siya.

Tinanong namin si Kris kung hindi pa ba niya sa­­sa­gutin si Carl after nang ginawa nito sa birthday niya?

“Huwag muna. Masaya naman siya sa status namin. Puwedeng masabing exclusive dating kami pero ayaw ko nung pinagbabawalan ako at mawala ang freedom ko to do things na gusto kong gawin lalo na kung tungkol sa career ko. Gusto ko lang masaya ako. Pero guwapo siya ’no?” wika nito.

Sabi ni Kris, wala siyang laban kay Daiana Menezes, ex-GF ni Carl, dahil sobrang maganda ’yun. Kaya nang ligawan siya ng aktor, tinanong muna niya ito kung sure na gusto siya. Sagot naman daw ng binata, bata pa siya noong maging sila ni Daia­na at ngayong mature na siya, si Kris na ang gusto.

Anyway, sa kanyang pagbabalik, pinasaya ni Kris ang mga bata sa Girls’ Home Unit ng Boys Town, nag-celebrate siya ng birthday kasama ang mga bata sa tulong ng GMA Artists Cen­ter at kanyang mga sponsor.

GMA ayaw pang aminin ang SAS

Nakita namin sa lobby ng GMA Network si Ms. Lilybeth Rasonable, OIC for Entertainment Group, kung toto­ong SAS o Sunday All Stars ang title ng Sunday show ng network na ipapalit sa Party Pilipinas.

Nagulat si Ms. Lilybeth kung saan galing ang balita pati sa binanggit naming may lumabas ng logo ng show na sabi, two weeks from now ang pilot. Nakalimutan naming itanong kung totoong si Rommel Ga­cho ang magdidirek ng bagong Sunday musical-variety show.

Pero malay natin kung totoong SAS nga ang title ng show at ayaw pa lang kumpirmahin ni Ms. Lilybeth. Hindi rin kami magugulat kung biglang palitan ang title dahil maagang nag-leak.

Ang natatandaan naming sinabi nito, inaayos pa ang studio na gagamitin ng bagong show at walang dapat ikabahala si Regine Velasquez dahil part pa rin ng show na papalit sa Party Pilipinas ang kanyang mga kaibigan.

Bro ni Daniel pipirma sa GMA

Kapatid pala ni Daniel Padilla si RJ Padilla na talent ni Bechay Vidanes at pipirma sa GMA Network. Parehong si Rommel Padilla ang ama ng dalawa, iba ang ina at kung moreno si Daniel ay maputi si RJ pero parehong guwapo.

Kasama si RJ sa cast ng morning rom-com series na With a Smile na bida sina Andrea Torres, Mikael Daez, at Christian Bautista. Sabi pa ni Ms. Lilybeth, komedyante si RJ kaya bagay siya sa nabanggit naming morning rom-com series sa direction ni Louie Ignacio.

KUNG

MS. LILYBETH

NIYA

PARTY PILIPINAS

PERO

SHOW

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with