Dawn at Goma tuloy na naman!
Noong Biyernes ay isa si Dawn Zulueta sa mga naging panauhin ni Vice Ganda sa concert ng komedyante sa Smart Araneta Coliseum. MalaÂking karangalan daw para kay Dawn ang makasama sa nasabing event.
“First of all, let me say it’s such an honor na pinili niya ako to be one of his guests kasi alam naman natin na tuwing lumalabas si Vice, talagang pinupuntahan siya ng tao. Nakita naman natin ’yung full ang buong Araneta talaga dahil sa kanya,†nakangiting pahayag ni Dawn.
Napamahal na raw sa aktres si Vice dahil sa pagpapauso nito ng linyang “I-Dawn Zulueta mo ako!†Nagsimula raw ang pagkakaibigan ng dalawa dahil dito.
“Talagang napamahal na talaga si Vice sa akin eh and parang through the years that I’ve known him and we became friends napaka-supportive din niya sa career ko. Naging friends na talaga kami,†kuwento ng aktres.
Samantala, matagal-tagal na ring pinag-uusapan ang muling pagtatambal nina Dawn at Richard Gomez sa isang pelikula. Matatandaang patok na patok ang tambalan ng dalawa noong dekada nobenta at muling namayagpag ang karera nila noong isang taon dahil sa teleseryeng Walang Hanggan. Ngayon ay matutuloy na raw ang paggawa ng reunion movie nina Richard at Dawn. “Yes, matutuloy din ’yung pelikula namin with Richard Gomez sa Star Cinema. Right now, tinatapos namin ang taping ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin. So we’re waiting for the airing of that teleserye,†pagbabahagi pa niya.
Martin maglaladlad na hanggang pelikula
Marami ang humanga sa pagganap ni Martin del Rosario bilang isang transgender beauty queen sa Maalaala Mo Kaya noong Sabado. Ayon kay Martin ay nahirapan daw talaga siya sa nasabing role.
“Siyempre medyo mahirap kasi hindi lang siya basta gay role, transvestite pa saka Miss International. So kailangan marunong ka ring gumalaw,†bungad ni Martin.
Nagpaturo raw talaga ang binata kung paano kumilos at magsalita kay Kevin Balot na siyang isinabuhay ni Martin.
Hindi raw ito ang kauna-unahang pagganap ni Martin bilang isang bading at wala naman daw masama kung tumatanggap siya ng ganitong mga role.
“Matagal na rin akong hindi gumawa ng gay role. Siguro last two or three years ago pa, sa MMK din ’yun. So, ngayon parang wala namang masama. For me mas challenging role, mas gusto ko. So ayun, challenging role so tinanggap ko siya,†giit ni Martin.
Hindi raw inakala ng aktor na aani ng mga papuri ang kanyang ginawa mula sa mga manonood.
“Nagulat nga ako eh. Nag-text din si Kevin na nag-trend siya worldwide, number one. Nag-trend siya nationwide rin. Nakakatuwa dahil grabe rin sa Twitter ’yung mga tao, sinuportahan talaga nila. Nakakatuwa na ma-appreciate ng mga tao ’yun,†pagtatapos ng aktor.
Nakahanda rin na gumanap bilang isang bading sa pelikula si Martin kung mabibigyan siya ng pagkakataon. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest